Martes, Mayo 13, 2008

Episode 10: Happy Birthday, Gaara!

Maagang-maagang pinalayas ni Pikori si Gaara sa bahay kasama si Kisame. Mixed emotions ang nadama ni Gaara, excitement na napalitan sa isang iglap ng magkahalong pagkainis, pagkagulat, pagtataka, pagkadismaya, pagkabigla at kawalan ng pag-asa, pagkat special pa naman ang araw na iyon. Magbibinata na siya at di na matatawag na beybi. Ngunit ang masaklap nito’y ang trato sa kanya ngayon ay parang wala-wala lang at ang makakasama pa niya sa kanyang kaarawan ay isang pangit na shokoy-pating. Kahit anong gawing pampalubag-loob ni Kisame ay wala rin namang epekto pagkat sa hitsura palang nito’y hindi na mapagkakatiwalaan. Di niya naintindihan ang asal ni Pikori kaya nagpasya siyang umalis nalang upang magpalamig ng ulo bago pa niya mawasak ng tuluyan ang tinitirahang bahay. Nang mawala na sa paningin si Gaara, nagsimula na magsidatingan ang mga pangunahing panauhin at inumpisahan na rin ang pag-aarange ng mga gamit sa loob. Sa grand entrance ni Rock Lee ay biglang umaliwalas ang buong kapaligiran ng bahay pagkat isang oras siyang nagtoothbrush para maging noticeable ang white teeth niya sa performance. Napanganga tuloy ang lahat at si Naruto na nagkakabit ng banner ay biglang nauntog sa kisame. Ang mga babae naman ay nagtungo sa kusina at di magkandarapa sa pagluluto sapagkat siyempre hindi lang dapat basta-basta, dapat may taste… nang makuha silang lahat sa tikim. Hindi tuloy malagay-lagay ni Pikori ang kanyang mga secret ingredients, tulad ng paa ng millipede at libag ng buwaya, pagkat pinagbawalan ng mga kunoichi ang paglalagay ng anumang undesirable at kahina-hinalang mga sangkap sa kanilang mga niluluto. Nang matapos na ang preparations, nanawagan si Pikori kay Kisame via radio na dalhin na pauwi si Gaara. Pinagbabato pa ni Gaara si Kisame ng bola-bolang mga buhangin dahil sa ayaw pa sana nitong bumalik sa sobrang pagtatampo. Uubo-ubo tuloy itong si Kisame na parang nabulunan sa polvoron habang hinihila pabalik ang Shukakung bata.

KISAME: Tok! Tok! Tok!
PIKORI: Sino yan?
KISAME: Kisame!
PIKORI: Kisame, who?
KISAME: Hoshigaki Kisame!
PIKORI: And why?
KISAME: Let me in! Let me in, Pikori! Or I’ll huff and I’ll puff and I’ll blow your house down!
PIKORI: Not by the hair of my kili-kili!

Grabe, unang pasok palang performance level na agad. Si Gaara naman ay di malaman kung ano na bang nangyayari sa kanyang mga kasambahay, tila nasasapian na naman kasi sila ng mga ligaw na espiritu na matagal nang umaaligid at nagpaparamdam sa loob ng kanilang bahay. Nagsimula na maghand-seal si Kisame upang ihanda ang kanyang jutsu na pambuga ng tubig nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat si Pikori nang makitang tila maglabas ng water fountain si Kisame sa kanyang nguso. Dahil pinigilan ni Kisame ang hininga in an instant, nabulunan tuloy siya at nagtatakbo papunta sa kanyang kwarto. Papasok na sana si Gaara nang biglang *poof* out of the smoke, biglang lumitaw lahat sina Naruto, Sasuke, Sakura, Temari, Kankuro, Rock Lee, Shikamaru at sige… si Peropero. Sumabog ang colored sand sa paligid at bumulaga ang bating “Happy Birthday, Gaara!” Sinalubong nilang lahat ang birthday boy na halos maluwa-luwa ang mata sa sobrang surprise.

NARUTO: Oy Gaara, musta? Mabuhangin ka pa rin ba tulad ng dati?
ROCK LEE: Gaara, tignan mo, wala nang pilay ang paa ko. Tinago ko nga ang saklay bilang remembrance mo.
KANKURO: Long time, no see. Di ka man lang tumawag o nagsulat sa amin.
TEMARI: Oo nga, next time bumili ka naman ng Sand Cellular para 24/7 text unlimited.
SHIKAMARU: Grabe, ang gugulo ninyo! Aray, wag niyo nga ako tapakan, Naruto!
GAARA: S-salam-mat…
PIKORI: Ops, position guyz!

Hinila nila ang medyo tutuli-tuliro pang si Gaara at pinaupo sa sofa at nagsitakbuhan sila papunta sa likod ng stage upang magpalit ng costume. Out of the blue, lumabas ang isang malaking tanuki mascot para mag-escort kay Gaara.

GAARA: T-teka… anong…
(Hinablot ng Tanuki ang ulo ni Gaara at ginulu-gulo ang buhok nito. Agad namang nag-leak out ang malansang amoy na nanggagaling sa mascot.)
GAARA: K-ki… Kisame???
(Tatawa-tawa ang tanuki at umupo sa tabi ni Gaara habang si Sakura naman ay lumabas mula sa stage while holding a microphone. Dahil medyo kinakabahan, muntik pa siyang matalisod sa wire)
SAKURA: Ah…eh… U-una sa lahat, gusto kong batiin ng maligayang kaarawan si Gaara na nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-tatlong… ay! este… *eeeeenggg*
(Nag-ingay ang speaker kaya pinagtatakpan ng lahat ang mga tenga nila)
SAKURA: P-pa-pasensya na… hehe… ano… ano pala… ah… ika-labintatlong kaarawan kaya naman ginawa naming espesyal ang araw na ito para sa iyo. *eeeenngg*
(Pinagtatakpan uli nila ang mga tenga nila)
SAKURA: Hoy! Ayusin niyo naman yung speaker!!! Nabibingi na ako dito eh! Di tuloy ako makapagconcentrate!!!
TEMARI: (mula sa likod ng stage) Akala mo ba ikaw lang affected?! Kami nga dito natutuliling na eh!
SASUKE: Hoy, Naruto, wag mo tapakan yan!
SHIKAMARU: O, ayan, pwede na… Maayos na ang sounds!
SAKURA: Eehehehe… Sori sa abala. Umm… ah, at ito na rin pala ang huling episode ng Fool House kaya dapat lang na gawing memorable ito.
(May humagulgol sa likuran, si Pikori yun)
SAKURA: At dahil dyan, naghanda kami ng iba’t ibang performance number at sana magustuhan ninyo ito!
(Tumabi si Sakura)
SAKURA: At para sa unang palabas, si Kankuro para sa kanyang live musical puppet show!!!

Tumaas ang curtain at nagkaroon ng round of applause na actually kasama lang sa sound effects na ginawa ni Shikamaru. Sinimulan na ni Kankuro paandarin ang kanyang mga puppets habang ginagawa ang musical puppet play na entitled “The Lonely Goatherd”. Ito ang isa sa mga sikat na kanta sa Sound of Music na may lyrics na “Lay ee odl lay ee odl lay hee hoo!!!”. At nang matapos ang kaka-yodel sa madamdaming performance ng mga puppets, nagkaroon uli ng sound of applause at panay bow etong si Kankurong malufet to the left, to the right and to the front bago tuluyang umexit.

SAKURA: Salamat Kankuro sa iyong nakakaaliw na puppet show. At heto naman si Shikamaru para sa kanyang Shadow play! (round of applause)

Itinaas ni Shikamaru ang kanang kamay at tumangu-tango bilang pagtanggap sa bati at saka nagkabit ng puting tela sa stage. Sa likod nito ay nagsindi siya ng lampara at sinenyasan niya si Sakura na patayin ang ilaw. Nang tama na ang dilim ng paligid,. sinimulan na niya ang paggawa ng mga anino ng iba’t ibang hayop sa likod ng kurtina habang tinutugtog ang kantang “Hiraya Manawari”.

SAKURA: At yan po ang napakagandang performance ni Shikamaru! Kitang-kita niyo naman ang galing ng pagkakagawa niya ng mga aninong hayop tulad ng biik at ipis!!!
SHIKAMARU: Teka-teka! Sandali nga lang, wala akong ganoong hayop sa palabas ko!
SAKURA: Pero yun ang nakita ko.
SHIKAMARU: Ay ewan, mga babae talaga!
SAKURA: Ano!!! May sinabi ka?!
SHIKAMARU: Wala. (exits)
SAKURA: Ang susunod naman ay ang live MTV nina Temari, Rock Lee at syempre ni Sasuke!!!
(enter Team TemSasLee)

Nagsimulang tumugtog ang “Sometimes” ni Britney Spears. Hanep sumayaw! Para silang mga supahstars kahit si Temari naglilipsync lang dahil aakalain mo talagang animated Britney Spears ang kumakanta. Pati yung mga back-up dancers niya ang dating eh mga dance idols. Pwede na nga silang pambato sa Star Dance. Si Sasuke parang si Froilan at si Rock Lee naman parang si Daniel. Woohoo!!! Kahit sino mapapahingi ng autograph nila. Halatang ini-emphasize ni Temari ang linyang ito kay Gaara:
“Sometimes I run, sometimes I hide, sometimes I’m scared of you… But all I really want is to hold you tight…”
Nang matapos ang live performance ng pekeng Britney ay gagawin na sana nila ang ending pose ngunit dahil sa nagkamali ng pag-ikot ng paa itong si Temari eh bigla siyang nadulas at nalaglag sa stage. Nasira tuloy ang poise ng lolah moh! Tinulungan siya nina Rock Lee, Sasuke at gayun din ni Gaara at pinaupo sa sofa dahil nagkasprain ang kanyang ankle. Maririnig naman sa stage ang bulung-bulungan at nang malaman ang aksidente ay agad sumaklolo itong si Kankuro sa kanyang kapatid. Aakalain mo ring may butiking maingay dahil si Pikori ay walang tigil sa kaka-tsk-tsk-tsk habang umiiling.

SAKURA: Dahil sa di inaasahang pangyayari ay di muna maipeperform ng grupo ang kanilang ending pose… At sa sunod naman ay si Pikori at si Peropero para sa isang double performance!

(round of applause)
Lumitaw si Pikori kasama si Peropero with a wagging tail and a dangling tongue. Nagsimulang kumanta si Pikori habang ginawa naman ni Peropero ang dog dance na tinuro sa kanya ni Pikori

PIKORI: This next song is all about love… and i wrote it all by myself…

“They try to tell us where too young, too young to really be in love…”
(Peropero sits)

“Bahay namin maliit lamang!!!”
(Peropero barks and wags tail)

“PEROPERO, PEROPERO, malinis to, pati sa kusina…”
(tumayo si Peropero on two legs at umikot-ikot)

Palakpakan talaga ang lahat sa nakakaaliw na doggie. Nang matapos ang kanta, nagkaroon pa ng standing ovation. Kahit si Temari na pipilay-pilay ay kumapit pa kay Gaara at Kankuro maipakita lamang ang paghanga sa kakaibang dog show.

SAKURA: At yan po ang kahanga-hangang performance ni Peropero at ng trainer niyang si Pikori! At susunod naman ang performance ng ating special guest na si Kichay
Nadaldal!

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa buong paligid. Di nila inakalang may inimbitahan pala na isang sikat na singer sa kanilang inihandang party. Lumabas sa stage ang isang cute na singer na may hawak pang gitara. Inihanda ni Sakura ang mic stand sa gitna. Maya-maya may lumabas na parang whiskers sa pisngi ni Kichay. AHA!!! SI NARUTO NAGBAGONG-ANYO BILANG KICHAY NADALDAL! Humirit bigla ang impostor…

“Ikaw ba’y nalolongkot
Nababalot ba ng poot
Maraming henanaket sa mondo?”

“Hoy kaebegan ko
Pakenggan mong mga bolong sa yo
Eto’y de galeng sa mondo
Patongo sa BOHANGENG paraeso!!!”


Napuno ang buong stadium ng hiyawan. Kung pagdating lang sa audience impact, panalo na itong si Naruto! Nang matapos ang kanyang performance, nagbigay siya ng isang flying kiss hindi para sa audience kundi para kay Sakura. Pero dahil hindi tanga si Sakura, binukulan niya si Naruto na agad namang nagbalik anyo sa kanyang original state.

SAKURA: Ok, guys, intermission!

Iniwan na ni Sakura ang mic para maghanda sa play habang iniwan naman ni Shikamaru ang radyo na tumutugtog ng Happy Birthday Song Chipmunk version. Nagdagsaan sila’t nagsiksikan sa likod ng stage at nagmamadaling nagpalit ng costume. Si Temari naman na patuloy sa pagrereklamo sa kanyang sore foot ay mukhang di makakapagperform. Marahil karma ito sa kanya pagkat noong nakaraang rehearsals sobrang pang-aapi ang ginawa niya kay Sakura habang ginagampanan niya ang pagiging stepsister ni Cinderetta. Nilublob niya si Sakura sa pinaglabhan ng damit, minudmod sa hollowblocks, sinabunutan to the maximum level at pinalamon ng dumi’t alikabok. Para ka ngang nanood ng teleseryeng heavy drama kung saan sandamakmak na kahihiyan at nakakawalang-dignidad na pang-aapi ang pinaranas ng kontrabida sa kawawang bida. Ngayon napilitan pa tuloy silang ibahin ang casting sa last few minutes ng preparation. Nataranta tuloy sila sa pagtuturo kung sino ang dapat kapalit nino. Napilitan tuloy si Pikori na magsakripisyo at igive-up ang chance niyang makapagsuot ng gown at makahawak ng magic wand para lamang mag-subsitute kay Temari. Si Naruto naman na dapat ay dakilang alalay lamang ni Prinsipe Sasuke ay ang nasalo pati ang role ng fairy godmama.

Fool House Presents

CINDERETTA

Starring:

Sakura as Cinderetta
Shikamaru and Pikori as evil step sistahs
Pikori (again) as Fairytailer
Kankuro as evil stepmama
Naruto as dakilang alalay ng prinsipe at fairygodmama
Sasuke as mahal na prinsipe
Rock Lee as kutsero
Peropero as Cinderetta’s dog
Gamakichi and Gamatatsu as frog friends ni Cinderetta

PIKORI: Wansapanataym may isang gurl na nagngangalang Cinderetta. Nakatira siya sa isang bahay kasama ang kanyang malulupit na stepsisters at stepmother.
(Nagbukas ang curtain)

Scene I
Setting: sa bahay
(Nagwawalis si Sakura sa gitna. Pumasok si Kankuro with a heavier make-up than the usual. Nagmukha siyang payasong lolah moh with high heels at sosyal na long bestida. Sinusundan siya ng dalawang sisters na nagchichikahan. Si Shikamaru ay nakasuot ng dress with lace at may dala pang famayfay. Naka-make up din siya with dangling earrings. Charing! Kasama niya si little stepsister na nakamake-over ng Betty La Fea style with an Alicia smile. My gosh! Para kang nanunuod ng Nginiiig!!!)

KANKURO: (boses bungangerang manang na pasosi ang epek) Cinderetta! (kiniskis ang sahig gamit ang sapatos na de takong) Kulang pa to sa floorwax, Inday! Gusto ko kasinkinis ng ulo ng kalbo ang sahig natin para naman makapag-boogie woogie ako mamaya.
SHIKAMARU: Yuck, what’s that pieces of hair doing ba? Why don’t you make pulot and tapon to the trash. My gosh, it’s so kadiri! You know, Cinderetta, mommylicious is correct! I want the floor as clear as glass. I cannot see myself pa nga in the lapag eh!
PIKORI: Wateber sis! Vasta, ol ay want is tu meyk iskeyting noh! Masyadung ma-priksyon pag madaming livag sa faligid. Ay kenat slif end slayd weneber ay want tu.
KANKURO: Hoy Cinderetta! Pagkatapos mo dyan kuskusin mo yung dingding, labhan ang t-back ko, ilabas ang basura, hugasan ang pinggan, ayusin ang gripo dahil may tulo na, is-isin ang mga amag sa banyo, linisin ang toilet bowl, at imuriatic acid ang tiles! Intendies?
SAKURA: Hai, mamaw-san.
KANKURO: Ano yun?
SAKURA: Ang sabi ko po eh, opo mama!
KANKURO: Ayusin mo ang language moh! (nagsindi ng tobacco at binugahan ng usok si Sakura na napaubo dahil dito)
(May kumatok sa pinto)
PIKORI: Hu u?
SHIKAMARU: Sis, ba’t di mo i-open ang door. You’re so stupid talaga!
PIKORI: Why me, why?... Cinderetta, ofen da door! (tinulak si Sakura)
(Pagbukas ni Sakura sa pekeng pinto, bumulaga si Naruto na hinipan ang trumpeta sa face ni Sakura)
NARUTO: *Poorooroot! Rootootootootooot* (parang dinaanan ng hurricane ang pinkie hair ni Sakura at biglang hinimatay siya)
NARUTO: Naku, pasensya na Sakura… este binibini pala. Okay ka lang ba? Miss! Miss! Gumising ka!
KANKURO: Anong kaguluhan ito? Bakit ka nag-iingay sa harap ng mansion ko? Wala akong panahon para makinig sa carolling moh!
NARUTO: Mansyon daw! Eh bulok-bulok na nga yung mga haligi eh.
KANKURO: Ano yun?!
(Hinila ng sisters ang nakatihayang Sakura para iset aside sa sulok)
NARUTO: Ako po ay isang mensahero galing sa palasyo. Nandirito ako upang ihatid ang isang mahalagang mensahe mula sa prinsipe.
(Nang marinig ng magkapatid ang salitang “prinsipe” ay agad silang nagitgitan sa harap ni Naruto upang makinig. Pati si Sakura ay himalang nagising at nakisali rin ngunit hinarangan siya ng tatlong itlog, with the mother being the greatest in size.)
NARUTO: (binuksan ang scroll) *coughs*
PIKORI: Damvagal eh!
NARUTO: Oo na eto na… (ini-scroll down ang scroll) Ilagay sa beater ang itlog at batiin nang mabuti hanggang sa bumula. Haluin ang harina hanggang sa maging pantay ang pagkalapot nito at mawala ang mga buo-buong…
LAHAT: …???
(binatukan ni Pikori si Naruto)
SHIKAMARU: (bulong) Hoy Naruto, ano ba yang binabasa mo?
NARUTO: Ay mali! Mali! Recipe pala ang laman nito… (hinahulughog ni Naruto ang laman ng iba pang kalatas na dala niya) Heto na! Heto na! (clears throat) Mga kababayan ko, ang lahat ng mga dalag… este dilag sa buong kaharian ay inaanyayahang dumalo para sa isang “ball” na gaganapin bukas ng gabi sa palasyo. Maging sino ka man o anu ka man, mukha ka mang tao o hayop, may buhok o wala, amoy lupa o hindi, basta “girl” ka ay “in” ka dito. Pipiliin ng mahal na prinsipe ang kanyang mapapangasawa sa pagtitipong ito. Wear your best dress and do not forget to brush your teeth three times a day and take a bath everyday.
PIKORI: Mommy o, nang-iinsulto!
KANKURO: Nanunuya ka ba? Ang mga anak ko’y kasinlinis ng kakadomex palang na banyo! Di tulad ng isa dyang muchacha na amoy alikabok.
NARUTO: Ah basta, binasa ko lang po ang nakasaad sa sulat. At kahit si Bb. Smells-like-Alikabok pwede rin sumali dahil sabi nga basta “girl” ka at kahit chaka ka pa ay pinapayagang makadalo sa event na ito.
SAKURA: (shy type) T-talaga? Pwede rin ako?
NARUTO: Oo naman, ikaw pa!
KANKURO: Oy sige na! Pwede ka na lumayas sa pamamahay ko! (sabay sarado sa pinto na tumama sa ilong ni Naruto)
NARUTO: Arraaay! Lang hiya kayo!
PIKORI: Mommy, wats a vol? Da talvog-talvog thingy? Are we going tu play in da falas?
SHIKAMARU: My goodness, sis! Ball! It’s somekinda party. You dance and dance with a guy there until you drop dead noh! And me, I’m going to make sayaw with the prince and one day we will marry and I will become a 100% senyorita in the palace! (nagpaypay) And we’ll live happily ever after!
PIKORI: Neber! (tinulak si Shikamaru) I, my, me! Aku ang fifiliin ng frince charming koooh! Ako ang fakakasalan ng fafa ko at di u!!! (tinapakan si Shikamaru)
SHIKAMARU: Don’t step on my foot, idiot! He’s mine! Mine!
KANKURO: Stop it, my darlings! Basta for me you are both pretty babies. Kahit sino pa sa inyo ang maging princess, you will still be my darling kuchi-kuchis!
SAKURA: Mama-san, pwede rin po ba ako sumama?
PIKORI: Huwat! You?! Look at yurselbs. You’re nothing but a chimaymay!
SHIKAMARU: (hinila ang damit ni Sakura) Yah, a taong-grasa with a basahan as a gown! Yucky! We’re going to a grand ball not a trash ball!
KANKURO: Cinderetta! Cinderetta! Cinderetta! Dito ka lang sa bahay at gawin ang iyong mga tra-BAHO! Anyway, maghanda ka mamaya ng hapunan. Kailangan yung mala-hotel ang ambiance at ang buffet ay tulad sa mamahaling resto. Baka gabihin kami ngayon.
SHIKAMARU: Why, mama dear? Where are we going ba?
KANKURO: We’re going to Chanel! Magpapatahi tayo ng mamahaling gown at bibili tayo ng mga jewelries to bring out the beauty in you! Dadaan na rin tayo kay Dra. Vicky Belo para magpa-beauty tayong tatlo!
PIKORI: You mean, gaganda na rin akech?
KANKURO: Matagal ka nang maganda dear! Baka ang ibig mong sabihin ay lalo ka pang gagandaH! O sya, dalian na natin at magpapa-lipo pa ako!
(the three exit)
SAKURA: (nagsimula na magmop) Kailangan daw kasinkinis ng ulo ng kalbo. Wag na wag nila akong sisisihin kung madulas sila dito.
(Sa likod ng stage, ginawa ni Naruto ang summoning technique para ilabas si Gamakichi at Gamatatsu)
GAMATATSU: Kuya Gamakichi, tayo na ba?
GAMAKICHI: Tayo na susunod kaya ayusin mo ang pagsasalita mo?
NARUTO: Kayong dalawa, galingan ninyo ang acting! Makakalibre kayo mamaya ng pagkain pag naging matagumpay ang palabas na ito! Kahit ano pwede ninyo kainin!
GAMATATSU: Yehey! Yehey! Narinig mo yun, Kuya Gamakichi? Kahit ano daw!!!
GAMAKICHI: Oo na! basta wag ka na makulit!
(Enter Gamakichi and Gamatatsu following Peropero)
SAKURA: Gamakichi, Gamatatsu, Peropero, anong ginagawa niyo dito?
GAMATATSU: Ano pa eh di kinukumusta namin ang magandang si Cinderetta!
SAKURA: Kayo talaga, nakakahiya naman!
GAMAKICHI: Di ka ba pinagbabakasyon ng swangit mong mga amo?! Dapat ang mga mukha nila ang ipangkuskos sa banyo eh! Mga feeling magaganda eh mas masahol pa nga sila sa basahan!
GAMATATSU: Oo nga, dahil sa kanila nasisira ang beauty mo.
(Peropero wags tail)
SAKURA: Wag niyo na isipin yun. Balang araw mabubulok rin naman sila sa hukay eh.
GAMATATSU: Hahaha… si Cinderetta nagpapatawa!
GAMAKICHI: O, baka pagod ka na! Tutulungan ka na namin.
SAKURA: Salamat!
(curtain closes)
PIKORI: At ganyan lagi ang eksena sa bahay nila. Ang alilang si Cinderetta kahit papaano ay may mga tunay na kaibigan. Alam naman natin ang kasabihang “Birds of the same feather flock together.” Sa awa ng Diyos, kahit araw-araw siyang binibisita ng kaibigan niyang hayop ay mabuti nalang at di pa rin nalilimutan ni Cinderetta na isa siyang tao… At kinabukasan… (curtains open)

Scene II
Setting: Sa bahay pa rin
(Sina Shikamaru, Pikori at Kankuro ay excited na. Ang stepsisters ay pawang nakabihis ng mahaba at nakakatapilok na night gown na kinabitan ng maraming bulaklak… as in chicharong bulaklak. Ang mga bling-bling na binili nila sa mga Muslim ay suot-suot din nila. Ang kanilang tanging ina ay halos masakal na at mabali na ang mga buto sa bigat ng sangkatutak na burluluy at beads sa katawan. Naka-backless din siya kaya kitang-kita ang taba-taba niya sa likod habang inaawat niya sina Shikamaru at Pikori na nag-aagawan sa maliit na compact mirror.)
KANKURO: Girls, girls! Tama na yan at didiretso pa tayo kay Ricky Reyes for our make-over… At ikaw, Sakura!
SAKURA: Po?
KANKURO: Pinapayagan na kitang pumunta sa ball.
SAKURA: Talaga po? Tenk yu po. Tenk yu!
KANKURO: Sa isang kondisyon. Tatapusin mo muna lahat-lahat ng trabaho mo rito. Wag mo kakalimutang tanggalin ang mga amag sa kwarto, lasunin ang mga daga, mag-ispray ng baygon sa bodega, walisin ang agiw sa sulok, ayusin ang bara sa C.R, mag-igib ng tubig…
(Matapos ang 30 min. instructions ni Mama-san ay halos maubos na ni Sakura ang pages ng notebook niya sa paglilista ng mga dapat at di dapat gawin sa araw na iyon.)
PIKORI: Mi mama, why naman make fayag Cinderetta to go?
SHIKAMARU: Li’l sissy, naiwan mo ba ang brains mo sa womb ni mama dear? You think she can make tapos every single thingy in a day? And look naman, she is so cheapipay, she cannot go to the ball because no one in this world will make pansin her ever.
(Pikori laughs and snorts while the tres malditas exit)
SAKURA: (nagbibitter-bitteran sa sulok) Oh, it hurts! Why me, why?! Saan ako nagkamali? Saan?
(Lumitaw sina Gamakichi, Gamatatsu at Peropero to comfort her ngunit dahil sa sobrang pagcomfort sa kanya ng tatlo ay nakatulog siya nang mahimbing habang nagpupunas siya ng mesa. Napasubsob tuloy siya sa mga mumong naiwan sa dinner table. Sa likod naman ng stage, nagpe-prepare na si Naruto para sa kanyang fairy godmother role. Kaso dahil hindi tama ang sukat ng fairy costume sa kanya, wala na siyang ibang choice kundi ang gamitin ang sexy no jutsu. Sa paglabas tuloy ni Naruto bilang babae, napasigaw ang lahat ng “HENTAI!!!” Nalaglag ang panga ni Tanukisame at nagkaroon ng katakot-takot na nose-bleed. Hinarangan naman ni Temari ang mga mata ng kanyang mga kapatid sa takot na baka magkakuliti ang mga ito. Sa isang iglap, nagkagulo ang buong kabahayan sa kahalayan ni Naruto.)
GAMATATSU: Kuya Gamakichi, si Naruto ba yan?
GAMAKICHI: Hindi! Si Naruta yan!!!
PIKORI: (Hinagisan ni Pikori si Naruta ng tuwalya) Hoy Naruto, magsaplot ka naman. Masisira ang pangalan natin sa ginagawa mo. Baka suspendihin tayo ng MTRCB niyan at pagkamalan pa ang show nating nagpo-promote ng pornography!!!
SHIKAMARU: Okay lang yun, tutal last fool show na ito. Wala na silang sususpendihin pa.
PIKORI: O hindeeee!!!
NARUTA: Eh paano ba naman kasi hindi kasya yung damit sa akin!!! *coughs* …Excuse me poh… (nagtapis muna ang Viva Hot Kulugo at kinuha ang magic wand)
SAKURA: (nagising) Hu u?
NARUTA: It’s me, your fairy godmother. Dahil good girl ka, tutulungan kita!
SAKURA: Oh really? Thanks grandmother dear!
NARUTA: Anong grandmother?! Di pa ako lolah noh!!! You can call me godmama.
SAKURA: But how… With these ragged clothes, I look like a ragged doll. Kung kayo nga po wala po kayong maisuot na damit, what more of me?!
NARUTA: Ah, do not underestimate your godmama. Dalhan mo ako ng kalabasa, hora mismo!!!
SAKURA: Sa ganitong oras, nakuha niyo pang magluto?!
NARUTA: Hindi ako magluluto! Wag ka na umangal pa, basta give it to me baby. Aha! Aha!
(Bumalik si Sakura dala ang patatas)
NARUTA: Wat da hel?! Di ka marunong mag-follow ng instructions, ineng!
SAKURA: Eh inuuod na po kasi yung kalabasa namin. Kukunin ko pa po ba?
NARUTA: Ah… eh wag na at baka kung ano pang lumabas duon! Teka, meron na tayong dalawang palaka, isang aso at isang patatas!
SAKURA: Naku! Wag po ninyo silang lulutuin!!!
NARUTA: Cinderetta naman, anong tingin mo sa ken, adik? Wala kang tiwala sa iyong fairy godmama. Just watch and learn!
(Nag-handseal si Naruta at habang winasiwas ang wand na pinapanday pa kay Panday ay bigla nalang nagbago ang anyo ng damit ni Sakura from rags to Bratz)
SAKURA: (bumulong kay Naruta) Naruto, bakit pula sapatos ko? Diba dapat glass shoes ‘to? Anong tingin mo dito, Wizard of Ox? Baka nalilimutan mong Cinderetta ito!!!
NARUTA: Ha? Ah… eh… Pwede na yan! Masyado na mahal ang outfit mo at di na kaya ng powers ko.
SAKURA: O sige na nga… Wow, salamat Fairy Godmama! Hindi ako makapaniwalang mas maganda pa ang gown ko kaysa mga stepsisters ko.
NARUTA: Korek ka dyan!
SAKURA: Ibig sabihin nito itatransform mo rin silang lahat? (tinuro ang kanyang mga animal friends)
NARUTA: Korek! Game k n b?
SAKURA: Game na!
(Ginawa muli ni Naruta ang handseals sabay kumpas ng wand at isa-isang nagbago ang anyo nila. Si Gamatatsu at Gamakichi ay naging mga bisiro, ang patatas ay naging kalesa at si Peropero ay naging si Rock Lee na nagpakitang gilas gamit ang kanyang blinding smile technique. Nasilaw tuloy ang lahat sa radiation na nireflect ng ngipin niya.)
NARUTA: (binatukan si Rock Lee) Tama na pakitang gilas! Kutsero ka lang dito!
LEE: Opo! (umakyat na sa kalesang patatas)
NARUTA: Okay, Cinderetta, tandaan mo na pagsapit ng eksaktong hatinggabi babalik ka sa tunay mong anyo.
SAKURA: Yes, tenks godmama dear! (sumakay na sa kalesang patatas)… Uhm, kayo na rin po ang bahala sa naiwan kong trabaho ha! Bye!
NARUTA: Ngech!
(curtains down)

PIKORI: At nagtungo na sila sa palasyo kung saan kasalukuyang namimili ng makakasayaw ang prinsipe.

(curtains rise)
Scene III
Setting: Palace
SASUKE: (nakita ang mga ugly stepsisters) Saang sulok mo ba napulot ang mga babaeng ito?
NARUTO: Sa imburnal… este dyan-dyan lang po, mahal na prinsipe.
SASUKE: (tumindig ang balahibo) Kinikilabutan ako sa mga hitsura nila. Parang mas gusto ko pang maniwalang mas maganda ka pa sa kanila!
NARUTO: (alarmed) Ngyay! Mahal na prinsipe, nasisiraan na ba kayo?!
SASUKE: Kung ganito lang ang mga pagmumukha ng mga kababaihan dito sa lugar natin, mas gugustuhin ko pang tumandang bakla!
(Tumakbong papalapit si Cinderetta. Bigla siyang natapilok sa harap ng prinsipe.)
SASUKE: Hindi ka nag-iingat. Yan tuloy ang napala mo.
SAKURA: Pa-pasensya na po, mahal na prinsipe.
SASUKE: Maswerte ka at mukha kang tao kaya isasayaw kita.
(Tumugtog ang “Huling El Bimbo”)
“Kamukha mo si Paraluman nung tayo’y bata pa…
PIKORI: Big sis, why is Frince Charmie sayawing da girl. It’s so corny naman!
SHIKAMARU: How awfool! Kanina pa tayo dito at di man lang tayo pinansin ng prinsipe! Magdamag pa naman akong nagmudpack sa beauty sleep ko and iyang latecomer na yan pa ang pinili niya over me. Mother, mother, fake ba ang products na binili natin at hindi tumalab ang aura namin sa kanya?
KANKURO: Don’t worry my darlings, magsasampa tayo ng demanda laban sa mga tindahan na yan!

“DINGDONG… DINGDONG…”

SAKURA: Oh no, hatinggabi na! How fast time flies!!! (tumakbo out of the palace)
SASUKE: Sandali, hoy bumalik ka dito! Kararating mo pa nga lang eh aalis ka na agad. Ngayon pa nga lang magsisimula ang party!!! (hinabol si Cinderetta)
(Natapilok si Cinderetta at naiwan ang kanyang isang sapato. Nadatnan nalang ng prinsipe ang sapatong naiwan.)
SASUKE: (pinulot ang pulang shoe) Pambihira, di pa rin talaga nag-iingat yung babaeng yun! Nag-iwan pa ng souvenir.
(curtains fall)

PIKORI: Dahil hindi matahimik ang kalooban ng prinsipe, kinabukasan din ay pinahanap niya kung sino ang may-ari ng pulang sapato. Isa-isang binisita at pinasukat ito sa mga babae sa buong kaharian.

Scene IV
Setting: Bahay
(May kumatok sa pinto kaya binuksan ni Kankuro)
NARUTO: (tinugtog ang torotot) Pooorooroootootooot! Nandito ang mahal na prinsipe para sa isang shoe fitting session. Kung kanino kakasya ang sapatong ito ay magiging sawa… este asawa ng mahal na prinsipe!
PIKORI: Ate, shoe pitting sesyon daw!
(Nag-unahan sa sapato sina Shikamaru at Pikori. Nag-apakan at nagsipaan pa ang magkapatid. Si Kankie naman nakisawsaw din sa sukatan dahil nangangarap din siyang maging sugar mommy ng prinsipe. Sa sobrang tindi ng agawan ng magkapatid, natadyakan tuloy ang mukha ni Sasuke na siya sanang magsusuot nito sa kanila)
SASUKE: Pwe! Kaninong paa ba yun?! Amoy patay na daga! Ayoko na! Ikaw na ang magsuot nito sa kanila! (hinagis ang sapato kay Naruto)
NARUTO: Oy, hinay-hinay lang mga babaeng bakla… este… mga gurlz! Arrange yourselves according to age.
(Naunang sinukatan si Pikori na pinasok ang kaliwang paa sa sapatos)
NARUTO: Hindi talaga kakasya yan! Baligtad eh!
(Di maintindihan ni Pikori kung alin ang baligtad, kung ang paa ba niya, ang sapatos o ang daigdig kaya sumaklolo siya kay Shikamaru)
SHIKAMARU: Che! Tumabi ka dyan. Ganito lang yan, manood ka! (sa sobrang pagpupumilit ni Shikamaru na maisaksak nang mabuti ang sapato sa kanyang paa ay nasipa niya tuloy sa nguso si Naruto na nabuwisit kaya pinalayas niya ito sa kanyang harapan. Sumunod na sumubok sa challenge ang lolah mong si Kankuro na namumutok-mutok pa ang paa kaya nabali ang takong nito. Sa sobrang pagkayamot ay napag-initan tuloy si Naruto)
KANKURO: AH! Layas! Get out of my house!
NARUTO: Teka muna, naalala kong may kasama pa kayong katulong dito.
(Lumabas si Sakura na bumubula-bula pa ang kamay dahil sa kasalukuyan siyang naglalaba)
SASUKE: Ikaw! Ikaw nga ang naka-El Bimbo ko!
NARUTO: Ders onli one way to know!
(Sinuot ni Sakura ang sapato at himalang nagkasya)
SASUKE: Binibini, anong pangalan mo?
SAKURA: Cinderetta po.
SASUKE: Cinderetta, will you marry me?
SAKURA: Yes! Yes, Sasuke… este… mahal na prinsipe.
PIKORI: And they lived happily ever after. The end!
(Lahat ng gumanap sa play ay pumunta sa harap at nagbow, then curtains close)


Nagpalakpakan ang audience sa mala-gag show na performance. Nagbalik na sila sa dressing room at pagkatapos ay inilabas na nila ang handaang kanina pang naghihintay para sa kanila.
NARUTO: Grabe kanina ko pa hinihintay ito. Gutom na gutom na ko eh! (sabay kuha sa spaghetti)
KANKURO: Hoy, wag mo ubusin! Kukuha rin ako niyan!
SHIKAMARU: Ispageti pa bang matatawag yan? Eh nilaspag niyo na eh!
PIKORI: Hoy hoy… paunahin niyo muna ang birthday celebrant! Balak niyo bang pakainin si Gaara ng mga latak niyo?!
(Sumingit si Gaara na sa sindak ay parang gusto niyang sibakin ang masisiba. Para na siyang mangangain ng tao.)
NARUTO: Oo nga naman, para tumaba naman si Gaayatot kundi magiging parang bulalo ka nalang niyan.
GAARA: Ganon pala… (sinubo ni Gaara kay Naruto ang buong sandwich para matikom lang ang bibig nito) … Ayan, pinakain na kita kaya wag ka na magreklamo.
SHIKAMARU: Oy, tigilan niyo na ang pagsusubuan diyan. Maraming naghihintay, pati kami gutum na gutom na o!
PIKORI: Okay, please moderate your greed. Babantayan ko ang mga plato ninyo para masigurado na hindi sobra ang servings na ilalagay ninyo at para hindi tayo magkaubusan dito. Bumalik nalang uli kayo kung gusto niyo pa.
(Naglagay na sila ng laspageti at sandwich habang si Sakura ay nagsalok ng juice para sa mga bisita. Si Kankuro naman ay dalawa ang dalang paper plate dahil ang isa ay para kay Temaring di pa rin makatayo. Si Rock Lee na mas nakakasilaw pa sa silverware ang ngipin ay nag-aalala sa mga stains na maaring idulot sa kanya ng sauce pero okay na rin sa kanya pagkat may baon naman siyang toothpaste at toothbrush sa ninja pack niya. Si Naruto naman na kanina pa di mapalagay ay tanong ng tanong sa unahan kung malapit na ba silang mabigyan ng pagkain. Nagkainan silang lahat habang tumutugtog ang radyo ng “Spaghetti Song” ng Sexbomb Girls at “Sugod” na pinasikat ng bandang Sandwich. Iba-iba ang istilo ng pagkain ng bawat isa. Si Kisame na nagtanggal ng ulo ng mascot ay kitang-kita ang malansang ulo nito na humihigop ng malauod at madugong pasta. Ang iba naman ay nagchichikahan at nagtatawanan even when their mouth is fool. Ang iba naman ay nagsusubuan sa puntong gusto na nilang isubo sa isa’t isa ang platong hawak-hawak nila. Ang iba kung kumain ay parang may sariling mundo like they see no evil, hear no evil and speak no evil. Yung iba nagmemeditate habang kumakain para malasap ang sarap ng kanilang pagkain. Meron din namang patay-gutom style na tila ilang araw nang hindi pinapakain sa kanilang bahay.)
PIKORI: May cake and sundae pa tayo mamaya kaya wag masyado magpalobo ng tiyan. (pinakain si Peropero ng mapanghetti)
LEE: Ako may space pa sa tiyan ko.
SASUKE: Ang problema ay kay Naruto.
NARUTO: Stretchable naman ang sikmura ko no! Si Gaara ang dapat nating patabain. Mukhang kakailanganin pa niya ng sampung servings mamaya.
GAARA: Wag mo akong igaya sa iyo. Wala akong balak magdisplay ng rice terraces sa katawan.
NARUTO: Anong rice terraces?
KISAME: Batang uhugin, bilbil yun!
NARUTO: Ah, nakisabat pa ang patpating pating!
KISAME: Sinong patpatin?! Papaluin kita ng patpat diyan!
(Sa gitna ng kanilang foolitically relevant discussions, may tumawag ng “Delivery po!” mula sa labas)
TEMARI: Baka yung cake na yun.
SAKURA: (binuksan ang pinto upang kunin ang kahon at iabot ang piggy bank sa delivery boy na nagkakandarapang bilangin ang mga barya) Kumpleto po yan. Saktong Php215.29 po ang laman niyan.
PIKORI: Tama po siya. Araw-araw po kaming naghuhulog at nagdo-donate ng piso para sa cake.
(Nang masatisfy na ang deliverer sa results, agad siyang nagpasalamat upang umalis at magpapalit sa kabilang tindahan dahil kung hindi ay siguradong latigo at pamalo ang sweldo sa kanya ng kanyang manager. Ang lahat naman ng visitors ay nagtipon-tipon sa paligid ng cakebox.)
NARUTO: Hindi yan bomba ha!
SAKURA: At sino namang walang hiyang magpapadala nun?
KANKURO: Kung gusto niyo itest niyo pa yan kung may anthrax.
NARUTO: Di bale, di naman ako ang unang tatamaan.
GAMATATSU: Kuya Gamakichi, natatakot ako. Baka maging inihaw na palaka tayo pagbukas nito.
GAMAKICHI: Wag ka nga mag-isip ng ganyan! Lalo tuloy akong kinakabahan sa iyo.
(Binuksan ni Gaara ang kahon at tumambad sa kanilang harap ang mocha keyk na hugis sandcastle na may bandila sa tuktok at may nakatatak na “Happee B-Day Gaara-kun!” Sinindihan naman ni Kankuro ang kandila at sabay-sabay silang kumanta ng Happy Birthday theme song)
PIKORI: Okay, make a wish upon a cake!
(Pinikit ni Gaara ang kanyang mga mata at hinipan ang mga kandilang nagamit na noong nagkaroon ng brown out mga ilang buwan nang nakararaan. Palakpakan ang lahat.)
NARUTO: Anong winish mo?
GAARA: Ang maging Kazekage ng bayan ko.
NARUTO: Talaga! Ako nga gusto ko maging hokage eh!
(Hinati na ni Pikori ang keyk into very equal pieces at ipinamahagi sa kanilang lahat nang may pagmamahal. Matapos nilang namnamin ng husto ang desserts nila ay nagsimula na ang paghahandog ng regalo para kay Gaara. Umupo sa gitna ang birthday boy na parang payat na Buddha habang pinapakiramdaman ang mga regalo sa kanya. Nag-alay muna siya ng isang maikling dasal para sa kaligtasan bago buksan ang mga kahon.)
KANKURO: (inabot ang gift) Kapatid, hapi birthday! Binata ka na! Di ka na kailangan pang bantayan! (pats him on the back)
GAARA: (binuksan) M-me-medicol?
KANKURO: Oo, madalas kasi sumakit ang ulo mo kaya binilhan na kita ng daily supply ng gamot mo.
TEMARI: Happy birthday, bunso! (hinalikan sa noo ang bunso)
(Nang buksan ni Gaara ang bigay ni Temari, nagsigawan ang lahat pagkat isang cellphone ang bumulaga sa kanilang lahat.)
TEMARI: Sand Cellular yan kaya siguradong malakas ang signal! May cable tv, camera, radio, mp3 player, video at voice recorder, bluetooth, yellowtooth, greentooth at redtooth, WAP, friendster, games, 200 000 inbox storage, 1 000 000 phonebook memory, and 1000 polyphonic ringtones to choose from with built in Naruto Soundtracks. Matindi rin ang security system niyan. Kapag nadetect niyang unfamiliar ang fingerprints ng humawak sa kanya ay agad siyang nagrerelease ng electric shockwaves. Naa-adjust rin ang volts nito. Nag-aalarm din ito at sumisigaw ng “Magnanakaw! Magnanakaw!”. Pwede mo rin i-customize ang alarm at gamitin ang boses mo.
LAHAT: Ooooohhh…
TEMARI: Shockproof, water-resistant at fireproof pa yan!
LAHAT: Coooo…oool!
TEMARI: Meron din yang enemy locator, dragonball radar, spirit detector, calamity signal, at may treasure maps ka pang pwedeng madownload. Pwede ring magamit itong laser gun, thermometer, blood-pressure monitor, barometer, x-ray, lie detector, metal detector, price scanner, lanseta, wiretap device, blood examiner, urine and stool sampler, eye vision chart, I.Q. checker, dandruff remover, body massager, back scratcher, PH meter, pest eliminator, ipis indicator, compatibility checker, etc.
NARUTO: Grabe! Cellphone pa ba talaga yan?
PIKORI: Saan mo naman yan nabili? Siguradong mahal yan!
TEMARI: Kay James Bond.
KANKURO: Kung ganon eh second hand na pala yan.
TEMARI: Naku, eh isang beses pa nga lang itong nagamit sa pelikula ni James Bond na “Mighty Bond.” In-auction ito sa E-bay.
PIKORI: $$$$$$$$...
SHIKAMARU: Hoy, Pikori, anong nangyayari sa iyo? Nagiging spokening-dollar ka na.
TEMARI: Tried and tested ito na gumagana kahit nasa outer space ka or under the sea. Kahit nga ilibing ka pa sa kailaliman ng lupa ay makakapag-call or text ka pa ng walang-kahirap-hirap dahil super mega lakas ang signal!

Matapos humanga at mainggit ang lahat sa kakaiba at walang katulad na mobile phone ni Gaara, muli na namang nakatanggap si Gaara ng gamot sa sakit ng ulo, isang box ng advil mula kay Shikamaru. Isang cactus-in-a-pot naman ang regalo ni Sakura, at mula kay Kisame ang isang aquarium na miniature representation ng pagsasanib ng buhangin at tubig sa isang maliit na garapon bilang simbulo ng pinagsamahan nila sa Fool House. Sunod ay di maipagkakailang galing kay Pikori pagkat napakacreative ng gift wrapper.
Binuksan ni Gaara ang kahong binalutan ng sandpaper at lumabas mula rito ang isang pokeball. Inihagis ito ni Gaara at lumitaw ang isang Sandshrew. Lumundag si Sandshrew papunta sa gorgeous gourd ni Gaara upang magsimula mag-adapt sa kanyang magiging habitat. Sa wakas, may pet pokemon na rin si Gaara. Sunod naman niyang natanggap ang mga nirolyong posters na dala Naruto.

GAARA: Sino ‘to?
NARUTO: Si Sandara Park.
LEE: Di ko akalaing paborito mo pala si Sandara, Gaara.
GAARA: Sino namang nagsabi nun sa iyo?
NARUTO: B-bakit? Di mo ba nagustuhan? Sabi kasi ni Pikori na kahit ano raw pwede ibigay sa iyo basta may sand.
SAKURA: Eh nasaan naman ang sand dyan?
NARUTO: (tinuro ang pangalan na nakaprint) Yan o, SAND-ara Park. Diba? May Sand siya sa unahan!
SAKURA: Engot ka talaga, Naruto! (binatukan si Naruto)
UWAK: Tanga! Tanga! Tanga!

(Nagregalo naman si Sasuke ng mga vcd ni SAND-ra Bulok na binili niya sa palengke)
PIKORI: Isa ka pa, Sasuke!
SASUKE: Kasalanan yan ni Naruto. Sabi niya pwede raw ang ganyan.
GAMAKICHI: Gamatatsu, pakita mo na yung atin.
GAMATATSU: Okey, heto, siguradong magagamit mo yan! (inabot ang SANDok)
GAARA: *sweatdrops* S-salamat nalang…
LEE: Okay, ako naman! (iniabot kay Gaara ang isang pares ng green SANDals) Kasama ko si Sir Gai pumili niyan! Ang ganda diba?
LAHAT: (sa isip) Sa iyong lang yan bagay, Lee!
(Itinabi na nilang lahat ang mga regalo ni Gaara at nagsimula na magkaroon ng life sa buong living room)
NARUTO: Okay, simulan na natin ang totoong parteee!

Pinatugtog na ni DJ Shikamaru ang dance music. At humataw agad sa dance floor etong si Naruto to the beat of the “Crazy Frog.” Bem! Bem! Hayup! Groovy ka tsong! Nagpasiklaban na ang isa’t isa sa pagsayaw. Dahil di na rin matiis ni Gamatatsu at Gamakichi ay pati sila’y naging crazy frogs narin. Pati ang theme song ni Jiraiya na “Pink Palaka” ay ginawa naring remix. Totoo, naging isang froggy afternoon talaga ang hapong iyon. Lumitaw pati ang pagiging Annie Batumbakal ni Sakura. Si Rock Lee naman ay nagsimula na mag-harlem dance. Pinerform naman ni Pikori ang creepy creep walk. Nagpaikot-ikot si Kisame sa floor, sa stairs, sa dingding at pati sa kisame na parang beyblade. Si Gaara ay sinayaw ang makamandag na statue dance. Si Temari na inggit na inggit na ay himalang nawala ang kanyang bali at nagsimulang sumayaw at sumunod sa galaw ng Sexbomb. Si Kankuro ay mapagkakamalan mo na ring dancing police sa gitna ng Edsa.

NARUTO: Oy Sasuke, may bubblegum ka ba sa paa mo at ayaw mong sumayaw? Siguro wala ka lang kasing masabi sa dance moves ko. (biglang nag-strutt)
SASUKE: Sa tingin mo ba magpapatalo ako sa isang sumasayaw na kulugo?! (pumuwesto sa gitna at biglang nagbreak dance kaya nagtilian si Temari at Sakura)

Nagpatalbugan ang mga totoy bibbo hanggang sa maubusan silang lahat ng chakra. Nang mapansin ni Shikamaru na tila lowbat na ata ang lahat sa bilis ng music ay pinalitan naman niya ito ng sweet and slow na “Crab Moves in Mysterious Ways.” Nag-unahan sina Temari at Sakura na makipagsayaw kay Sasuke kaso dumiretso ito sa banyo upang magkulong. Eto namang si Rock Lee at Naruto ay pinaghilaan si Sakura na biglang naubusan ng pasensya sa kanila at pinag-untog ang mga ulo nila. Nagtiis nalang si Sakura na maghintay forever kay Sasuke na wala na atang pag-asang lumabas pa sa CR hanggang sa pumuti na ang uwak.

UWAK: Tanga! Tanga! Tanga!

Si Temari na heartbroken ay nakipagchikahan nalang kay Mr. DJ Shikamaru na mukhang inaantok na sa tugtog… tog… tog… tog… Si Kankuro na nadaramang ito na ang kanyang tiyansang makipagsayaw sa isang tunay na babae ay muli na namang nabigo kaya wala na siyang ibang choice kundi ang makipagsayaw sa kanyang darling puppet Karasu. Isinayaw naman ni Pikori si Gaara dahil sa takot niyang umiyak muli ang beybi pag naiwan all alone. Si Gamakichi ay isinayaw si Sandshrew at si Gamatatsu ang naging dance partner ni Peropero. Si Kisame ay nag-interpretative dance nalang upang magbigay aliw sa mga crestfallen nilang mga bisita. Di pa nga natatapos ang kanta ay biglang nagkaroon ng kaguluhan sa ballroom. Biglang sinipit ni Pikori ang leeg ni Gaara. Nagtakbuhan silang lahat patungo sa scene of the crime upang iligtas ang biktima. Kahit si Sasuke na nagbabalak tumakas mula sa bintana ng CR ay nakijoin na rin sa kanila. Pinagtulungan nilang hilain ang dalawa ngunit nakawala lang si Gaara mula sa viselike grip ni Pikori nang matapos na ang kanta. Dinala nila si Pikori sa kusina upang doon iperform ang exorcism. Hinagisan nila ito ng bawang at agad naglabasan ang espiritu ng Crab Master at ang kaluluwa ni Aling Bakekang na maaaring na-invoke niya sa kanyang Creep Walk. Nang makapagrevitalize na si Gaara ay muli na naman nilang itinuloy ang selebrasyon dahil sa pagiging buhay parin ni Gaara.

Bilang pagtatapos ng kanilang kasiyahan, isang makapagdamdaming speech ang ibinigay ni Gaara sa kanyang fellowmen at fellowanimals bilang pasasalamat sa pag-aalala sa kanyang kaarawan at ganun na rin sa pagmamahal na kanilang ipinadama sa kanya. Nagkakaiyakan at nagkakatuluan na ng sipon ang bawat isa dahil sa mga nakakaluhang mga dedication. Nang magbalik-tanaw sila sa mga nakaraan ay biglang napasinga si Naruto sa buntot ni Tanukisame at si Pikori naman ay napahagulgol habang nakasalampak sa sahig. Di rin nakalimutang banggitin ni Gaara ang kanyang mga pangarap para sa bawat isa at gayundin ang pagbati sa mga sponsors niya at pati ang mga pahabol na credits, disclaimer at references. Nang matapos na ang final conclusion, nagkayakapan na ang bawat isa at may isang kumapit sa balikat ni Gaara bilang huling pagbati. Isang mala-dolby digital na “Kraaaauggghhhh…” ang bumingi sa kanilang lahat. Napalingon tuloy ang lahat sa babaeng nasa likod ni Gaara. Dahan-dahang lumitaw ang kanyang mukhang binudburan ng harina.

NARUTO: S-sino yan ha?!
PIKORI: Hi-hindi na ako yan ha!!!
LAHAT: Si… si… KAYAKO!!!! (sigawan at takbuhan)

In a second, lahat sila ay nasa bingit ng kamatayan. Mukhang nagalit si Kayako sa mga unforgivable disturbances at noises sa paligid niya. Halos matuyuan na siya ng dugo sa kanilang lahat. Nagtakbuhan na ang everybody to the left and to the right pero naalala nilang balikan si Gaara na unti-unti nang hinihila ni Kayako patungo sa mundo ng karimlan. Isang game of tag-o-war ang naganap. Patuloy silang lahat sa paghila kay Gaara from the powerful, vicious, vengeful grip ni Kayako. Unti-unting lumayo ang view mula sa kanila, palabas ng bahay hanggang sa ang makikita nalang sa camera ay ang scenery sa labas ng bahay. THE END…

*****

Anong nang nangyari sa loob ng bahay? Nahati na ba si Gaara? Mabubuhay pa kaya silang lahat matapos nilang galitin ang di matahimik na kaluluwa ni Kayako? Ito na nga ba ang kanilang final destination? Sino nga ba ako at ano ang ginagawa ko dito? Ano nga bang mapupulot natin sa kwentong ito? Abangan…

From the director of Ju-On the Grudge… [flash scenes from Ju-on The Grudge]
The author of the manga and anime series Naruto… [flash scenes from Naruto]
And the writer of the notorious Fool House fanfiction…[flash scenes from Fool House]
Comes a fusion of a mind-boggling… bone-breaking… adrenaline rushing… vein-bursting… blood-curdling… eye soring… throat achening… head-aching… teeth-decaying… and skin whitening J-horror movie of the season.
[flashes black and white the last scene of the Fool House episode 10]
[black screen… kayakroak…scream]
[Scene 1: Kumakain si Naruto ng noodles sa Ichiraku Ramen nang makahigop siya ng kumpol ng itim na buhok na agad niyang iniluwa]
[Scene 2: Nagsusuklay si Sakura ng buhok nang mapasigaw siya dahil pagtingin niya sa salamin ay mukha na siyang corpse bride]
[Scene 3: Si Kankuro ay nasa restroom at umiihi habang si Kayako ay nakatayo sa likuran]
[Scene 4: Nagsisisigaw si Shikamaru habang may humihila sa kanya sa ilalim ng kanyang kumot]
[Scene 5: Pikori may hawak na kutsilyo with a death stare on the camera]


JU-OFF THE GRUDGE
Coming soon…

Episode 9: Fraktis Makes Ferpek

Tulad ng pinag-usapan, nagkita-kita ang mga loko sa ibabaw ng tulay na matatagpuan sa ending ng Ju-On the Grudge 2. At sa wakas, nakarating rin sa usapan sina Shikamaru at Sakura.
SHIKAMARU: (dala ang isang fried chicken) Oy sensya na, kahapon lang namin natanggap ni Sakura yung sulat. Eto nga pala yung manok. Saka lang namin napansin yung invitation nung nakatay na. Paano ba yan eh luto na?
PIKORI: No problemo. At least meron na tayong kakaining merienda!
(Biglang tumakbo papalapit si Naruto)
NARUTO: Penge ha! Gutom na gutom na ako eh. Bakit pa kasi ngayon ka lang dumating, Shikamaru? (hinugot yung paa ng manok)
SASUKE: Hay naku, Naruto, balak mo bang talunin si Choji sa pagiging patay gutom?
(Biglang nahiya si Kankuro na balak humingi kahit yung breasts lang. Natakot siya na baka sabihing patay-gutom rin siya tulad ni Naruto kaya kinontrol nalang niya ang kanyang sarili kahit atat na atat na rin siyang makikagat sa nilutong manok. Nilunok nalang niya ng paulit ulit ang laway niya para lang maibsan ang kanyang pagkatakam.)
TEMARI: Oy, Kankuro, okay ka lang ba dyan? Para kang constipated sa hitsura mo?
KANKURO: W-wala ito…
PIKORI: (nag-alok ng manok) Ayaw ninyo? Sayang… mukha pa namang Max Fried Chicken ang pagkaluto.
SAKURA: Pasensya na, nagda-diet kasi ako eh. Balita ko mataas raw ang cholesterol at calories niyan.
TEMARI: Tama ka dyan. Makakasira yan ng figure natin.
SHIKAMARU: Naalala ko tuloy si Choji. Tuwing naiisip ko yun, minsan ayoko nang kumain pa.
NARUTO: Sus, andami niyong satsat. Eh di akin nalang! (inagaw kay Pikori ang buong manok)
PIKORI: Di mo man lang tinanong kung kakain ako!!!
NARUTO: Ay hehe… sori… gusto mo?
PIKORI: Ayoko na! Nawalan na ako ng gana. Nagtatampo na ako!
NARUTO: Sus eto naman ang OA. Eh di wag!!! Walang hihingi! (munch munch)
(Tumalikod si Kankuro upang wag tignan ang takam na takam na kulugo dahil lalo lang siyang maglalaway)
PIKORI: Bahala ka dyan mag-isa kang matamaan ng BIRD FLU!!!
(Biglang nabulunan si Naruto at aksidenteng nahulog niya ang fried chicken mula sa tulay. Guminhawa ng kaunti si Kankuro sa kanyang narinig)
NARUTO: Ba’t di mo sinabi agad?!
SAKURA: Pero tingin ko wala naman ata sa atin nun.
NARUTO: Naku eh sayang naman yun! (hinahanap-hanap ang nahulog na manok) Kasi naman si Pikori, ambilis manakot!
PIKORI: Eh natakot naman!
(Maya-maya dumating si Lee na may wasak na fried chicken sa ulo)
SAKURA: Late ka na Lee, kanina pa kami andito. Buti nalang at di pa kami nagsisimula.
LEE: Ang sama kasi ng araw ko. Nasubsob ako kanina sa kanal, hinabol ng aso, naubusan ng agahan, tapos nawalan pa ng tubig sa amin, natrapik pa ako… pero sa kabila ng lahat napakabuti pa rin ng Diyos sa akin sapagkat hinulugan niya ako ng fried chicken sa langit. Alam talaga niyang gutum na gutom na ako! (sabay nguya ng mga tira-tira sa buhok)
(Makikihingi sana si Naruto pero nang maalala niyang nasubsob sa kanal at di pa naliligo itong si Rock Lee ay hinayaan nalang niya itong angkinin at enjoying mag-isa ang lutong manok)
PIKORI: Okay, pwede na nating simulan uli ang meeting. Ano nang balak ninyo sa inyong performance?
SHIKAMARU: Magsosolo nalang din ako tulad ni Kankuro. (humiga sa tulay habang nanonood ng ulap) Shadow play nalang ang akin.
SAKURA: Magsosolo din kaya ako?
PIKORI: Pwede ka mag-declamation, speech o kaya solo acting…
SAKURA: Naku, di ako magaling sa bagay na yan.
PIKORI: Eh kung sumayaw ka nalang kaya.
SAKURA: Ako mag-isa sa harap? Mas lalong ayoko nun! Nakakahiya kaya yun!
NARUTO: Oo nga, di kami papayag na gumawa ng kahiya-hiyang performance si Sakura!
LEE: Tama! Di nga kami papayag nun.
SASUKE: Eh bakit hindi? Hindi naman siya siguro pangit sa tingin ni Gaara.
SAKURA: Sasuke naman!
NARUTO: Isa ka pa Sasuke, eh kung ikaw kaya ang pasayawin namin sa harap ni Gaara?
PIKORI: Relax nga kayo. Kung umarte kayo parang pinag-iistrip dance si Sakura eh! Marami namang ibang sayaw dyan tulad ng Kechup, Chocolatte, Papaya, Macarena…
SAKURA: Ah basta hinde!!!
PIKORI: Pok dance…
SAKURA: Anong pok dance??!!
PIKORI: Ay folk pala, hehe…
SHIKAMARU: Di ko talaga maimagine si Sakura na nakatapis.
SAKURA: (sinipa si Shika) Tumigil ka nga!
SHIKAMARU: Aray! Magkarate demo ka na nga lang.
SAKURA: Napagdesisyunan ko na. Mag-eemcee nalang ako. Oha! Wala pa sa inyo nakakaisip niyan noh?
NARUTO: Antalino mo talaga Sakura!
LEE: Oo nga, you’re da best!
SAKURA: Talaga!
PIKORI: Okay, is dat your final decision?
SAKURA: Oo naman noh!
PIKORI: Okay, mga pipz, eto na ang huling hatol…
Sakura - emcee
Kankuro – puppet show
Shikamaru – shadow play
Temari, Sasuke, Lee – music video
Pikori – song number
Naruto – solo performance
Sa mga magsosolo, bahala na kayo sa buhay ninyo kung anong gusto niyong gawing mga stunts ha! At para mas exciting, maghahanda din tayo ng isang play.
SHIKAMARU: Ano?!
LEE: Okay yan, mas maraming activities mas masaya. Siguradong matutuwa ng husto si Gaara niyan.
PIKORI: Dali mamili kayo ng isang storya dito. (nilabas ang compilation ng mga Fiery Tales of Granny Goose)

*Table of Contents*
Little Red Robin Hood
Moldilocks and the Three Eggs
Cinderetta
Frog Prince (feat. Kero Keroppi)
Black Beauty and the Beast
Coal Black and the Seven Giants
Chaka and the Beanstalker
Tambolina
Robin Hudas
Sourface
Sleeping Bote
The Swangit Princess
Crumpledstiltskin
Crapunzel


SHIKAMARU: Meron ba talagang ganyang mga kwento?
PIKORI: Oo, millennium edition pa nga ito.
NARUTO: Frog Prince ang gusto ko!
KANKURO: Basta ikaw yung palaka.
SAKURA: At si Sasuke ang prinsipe!
TEMARI: Baka nakakalimutan mo Sakura, ang palaka ang hahalikan mo.
SAKURA: Wag na nga lang yan! Sleeping Bote nalang. (sa isip) Para ako ang prinsesa at si Sasuke ang prinsipe… tapos… (blushes)
NARUTO: Pwede ba ako nalang yung prinsipe?
SAKURA: (binatukan si Naruto) Ano ba Naruto!!! Don’t burst my bubble!
NARUTO: Aray… Nagsusuggest lang naman ako ah.
SHIKAMARU: Kailangan tama lang ang bilang ng characters.
TEMARI: Mas maganda kung romantic ang istorya!
LEE: Tapos may halong action and adventure! (nagsisipa at nagkakarate sa hangin)
SASUKE: Robin Hudas?! Mukhang madugas naman ang isang ito.
KANKURO: Wala akong mapili.
SHIKAMARU: Kahit nga ako wala rin.
PIKORI: Kung gusto niyo Cinderetta nalang.
SAKU+TEMA: Okay sa amin yun.
NARUTO: Sinong gusto ng Frog Prince, itaas ang kamay… (tinaas pati ang buong braso sa ere ngunit walang pumansin ni isa sa nangangarap maging prinsipe ng mga palaka)
LEE: Kahit anong sabihin ninyo okay lang sa akin. Basta pagbubutihin ko ang role ko.
PIKORI: Okay, wala nang tututol. Approved na ito…
(Nagkaroon ng pagpupulong ang mga cast ng palabas. Ilang beses ring nakipag-agawan ng role si Temari kay Sakura para sa role ni Cinderetta. Dahil mas maraming fans itong si Sakura, agad naman siyang napiling gumanap para sa bidang babae. Dahil sa pagiging kontrabida, si Temari naman ang bumagsak sa role bilang isang stepsister. Si Naruto ay nakipag-away rin para sa role ng prinsipe ngunit dahil mas pinili ng marami si Sasuke ay wala na itong magawa kundi tanggapin ang masaklap na katotohanan. Kilig na kilig naman si Sakura sa naging resulta ng botohan para sa mga characters. Sina Temari, Shikamaru, Kankuro, at Naruto ang mga bwisit na bwisit pagkat di nila matanggap ang kanilang mga roles sa gaganaping play. Ineexpect pa naman nila na mabibigyan sila ng better roles ngunit sadyang masaklap ang kanilang kapalaran sa mundo ng Fool House.)

*Cast of Characters*
Sakura as Cinderetta
Shikamaru & Temari as Evil Stepsistahs
Kankuro as Evil Stepmama
Sasuke as Prince
Naruto as alalay ng prinsipe
Lee as kutsero
Pikori as Fairygodmama and Fairytaler


(Patuloy sila sa pag-eensayo ng mga sumunod na araw habang si Kisame ay walang ginawa kundi magbantay kay Gaara na pikon na pikon na sa kanyang guranging babysitter habang wala rin naman siyang kamalay-malay sa magaganap na mga kababalaghan sa kanyang kaarawan)

*****

Sa susunod na kabanata…
Magbibinata na si Gaara. Ano kaya ang mga nakahandang sorpresa sa kanyang kaarawan? Wag palalampasin ang final episode ng Fool House!

Next Episode: Happy Birthday, Gaara!

Episode 8: The Invited

(Pansamantalang wala si Gaara dahil may misyon siya sa Suna)
PIKORI: Malapit na bday ni Gaara. Ano kayang klaseng party ang pwede nating gawin?
KISAME: Ano pa eh di bday party!
PIKORI: Galunggong, ka talaga!!!... Hmm, alam ko na, isang surprise party. Imbitahan natin lahat ng close sa kanya. Close friends,close relatives at close enemies.
KISAME: Tiyak magugulantang yun. May ideya ka na ba kung sino?
PIKORI: Of course! Kailangan ko nalang padalhan sila ng liham para mapag-usapan ang preparations.
KISAME: Saan ang venue?
PIKORI: Saan pa eh di dito. Para matipid no. Mahal magJolibee o Mcdo ngayon.

(Isa-isang pinadalhan ng sulat ni Pikori ang mga inimbitahan niya sa party. At tulad ng inaasahan isa-isang dumating sina Kankuro, Temari, Naruto, Sasuke at Rock Lee.)

(Sa Fool House)
NARUTO: Eto na ba ang bahay?
SASUKE: Fool House ang nakalagay kaya eto na nga iyon.
NARUTO: Tao po! Tao po! … Ba’t walang sumasagot?
LEE: Sandali. (Binuksan ang liham) Ang sabi dito sa instructions kumatok at tumawag ng ‘Alien po!’
NARUTO: (Kinamot ang ulo) Ano ba yan! Mga taga-ibang planeta ba ang nakatira dito? Alien po! Alien po!!!
(Bumukas ng bahagya ang pinto at sumilip si Pikori very slowly)
PIKORI: Pangalan?
NARUTO: (shakes, rattles and rolls) U-uzum-maki N…nar-rruto
SASUKE: Uchiha Sasuke
LEE: Ako naman si Rock Lee. (w/ a smile that rocks the house)
(Pinapasok na niya lahat sa Fool House)
NARUTO: Nakakatakot naman ang bahay na ito. Tumataas balahibo ko.
SASUKE: Andami namang mga sapot ng gagamba dito.
KISAME: Eh paano nagbibreed ang may-ari dito ng iba’t ibang uri ng insektong pang-ulam.
NARUTO: Ang pangit na si Kisame! Dito ka na pala nakatira. Kaya pala nakakakilabot dito. No wonder.
KISAME: Ikaw dapat ang andito dahil antanga-tanga mo!
NARUTO: Andito na nga ako pero as guest naman no. Beh!
KISAME: Makaalis na nga dito at baka lagariin pa kitang kulugo ka.
NARUTO: Mabuti pa nga at di ko ma-carry ang face mo. Biruin mo, isang pating na naglalakad sa kalye. Watta disgusting scenery!
ROCK LEE: Baka kahanga-hanga kamo. Ngayon lang nangyari sa buong kasaysayan natin.
(Kumawala mula sa fool house si Fishame dahil di niya feel ang magka-wart tulad ng warthog at Hogwarts. Ang arte! Akala mo kung sinong feeling gwapo eh kahit magpakalunod siya sa Papa Cologne eh di na talaga matatakpan ang masangsang niyang amoy sa balat ng lupa at tubig. )
NARUTO: Ah basta hindi bagay. Out of order. Wala sa tamang lugar. Walang isdang naglalakad sa daan. Kalokohan!
SASUKE: Ano bang nakain mo at nag-iisip ka na ng tama? May pa-order order ka pa dyan eh kailan pa nagkaorder yang utak mo?
LEE: Pero di ba merong isang klaseng pating na naglalakad sa ilalim ng dagat.
NARUTO: Wag na nga natin pag-usapan yun at nagsisimula na ko tubuan ng goosebumps.
PIKORI: For your information, sharkbumps yan. (gives a scary looking face at the visitors)
NARUTO: Ngee… ba’t ganun siya makatingin?
(Tumungo na ang tatlo sa sala at kung inaakala nilang walang living sa living room ay meron na pala, sina Kankuro at Temari)
NARUTO: Teka teka lang. Anong ginagawa niyo rito?
TEMARI: Anong klaseng tanong yan? Mga kapatid kami ni Gaara kaya dapat lang kasama kami.
KANKURO: Kami nga dapat ang magtanong niyan sa inyo. Ang lalakas ng loob niyo magsipuntahan eh kaanu-ano niyo naman si Gaara ha!
NARUTO: Kalaban!
LEE: Eh sabi sa sulat pati close enemies daw eh.
NARUTO: Kanina ka pa-follow ng follow ng instructions dyan ah. Sawang sawa na ako dyan.
LEE: Ikaw kasi di ka marunong magfollow ng instructions kaya madalas ka napapahamak.
KANKURO: Asan na si Pikori?
NARUTO: Ang wirdo nun. Mukhang aswang na papatay sa sindak.
TEMARI: Sinusumpong lang siguro yun. Mamaya babalik rin siguro yan sa normal.
KANKURO: Yun siguro ang tinutukoy ni Gaara tungkol sa kanya. May mood swings daw siya pag napopossess.
SASUKE: Di ba kasama dapat sa sikretong pagpupulong natin yung naglalakad na pating?
KANKURO: Siya kasi ang magbabantay kung darating na si Gaara.
(Maya-maya lumabas mula sa kusina si Pikori dala ang isang bandehadong hopiang munggo na galing pa sa future na inorder niya mula kay Doraemon)
PIKORI: … (not enough life)
NARUTO: Ayos ka lang?
(Kumagat si Pikori ng isang hopia of hope at biglang kuminang ang kanyang mga mata at namulat siya sa katotohanan)
PIKORI: Aba! Andito na pala kayo?
VISITORS: -_-”
KANKURO: Ginugutom lang pala ang isang to.
(Nang matapos magmerienda ay nagsimula na sila sa pagpapalitan ng mga kuru-kuro)
PIKORI: Dapat maghanda tayo ng maraming SAND-wich!
LEE: SAND-ae! (sundae)
NARUTO: Ramen! For long life!
SASUKE: Sino kayang hangal ang maghahanda ng ramen sa bday niya?
KANKURO: Eh di si Naruto. Sino pa nga ba?
TEMARI: Spaghetti nalang.
NARUTO: Yun ba yung parang mga bulate?
LEE: Oo, parang kasimpula ng buhok niya.
PIKORI: Magiging madugo ito. Ok, mga bulate, iche-check ko yan! (sinulat sa listahan: earthworms, 1 kilo)
(Kinabahan ang mga bisita sa sinabi ni Pikori)
TEMARI: Oy anong tingin mo sa amin mga manok?!.
KANKURO: Ikaw kasi Naruto eh!
NARUTO: Ako pang sinisisi mo!
KANKURO: Palibhasa may bulate ka sa tiyan!
LEE: Marshmallow!
PIKORI: Baka di niya magustuhan yun. Marsh yun eh.
SASUKE: May kinalaman ba talaga yun sa tema ng party?
NARUTO: Paano yung cake?
PIKORI: Ah, pagawa tayo ng cake na hugis sandcastle!
TEMARI: At mas maganda kung mocha ang flavour.
LEE: Bagay!
SASUKE: Sa wakas, makataong idea yang naisip mo.
PIKORI: Bakit di ba ako makatao?
NARUTO: Maka-alien ka eh.
PIKORI: Kasi Dating Doon ako (tinuro ang earth from afar) pero ngayon nandito ako.
NARUTO: Mukha flavour. (tawang aso as in Harf harf harf harf…)
KANKURO: Corny nito. Wala namang maitutulong yang tawa mo.
NARUTO: KJ mo naman. Kaya ka mukhang guranggutan e.
LEE: Sayang! Akala ko yung bagong Super Inggo cake… Wala ba tayong lalagyan ng action figures?
SASUKE: Para namang ginagawa niyong isip bata yang si Gaara. Baka nalilimutan niyo patanda na siya ng patanda. Lagyan niyo nalang mensahe ang cake para matapos na.
PIKORI: Walang problema yan. Lalagyan natin yan ng (kumanta) ISANG BANDILA… Woooh… at ISANG KANDILA… Woooh…
TEMARI: Oo nga. Pwede natin ilagay sa bandila yung Happy Birthday, Gaara.
PIKORI: Para naman sa decorations, lagyan natin ng flowers ang vase.
NARUTO: Anong flowers?
PIKORI: Cauliflowers. Para makain din natin. Sayang e.
VISITORS: Ngek!
PIKORI: Don’t worry. Iisteam ko muna.
NARUTO: Alam mo yan lang ang flowers na nakita kong kulay green.
SASUKE: Gulay yon hindi flower.
NARUTO: Eh ba’t cauliflower? Parang sinasabi “call me flower.” O diba?
PIKORI: Yung stage dapat iarrange din natin.
NARUTO: Para saan naman yun?
PIKORI: Magpeperform tayo!
SASUKE: Tutol ako dyan.
PIKORI: Isipin niyong talent portion lang ito.
LEE: In ako dyan!
NARUTO: Yuck, ayoko na yata.
PIKORI: Wag na kayo mag-inarte. Once in a blue moon lang to no!
KANKURO: Magpa-puppet show nalang ako.
PIKORI: Song number ang akin.
SASUKE: May talent ka nga ba?
PIKORI: Oo, sa pagtawag ng bagyo. Sinong gusto mo, si Reming o si Milenyo? Choose the one that you like best.
SASUKE: None of the above.
LEE: Matawagan nga PAGASA. It should come with a warning.
TEMARI: Baka isipin nilang death threat yan.
NARUTO: Delikado ka pala. Parang kang si Storm sa X-men.
SASUKE: Oo nga. Walang originality.
PIKORI: Exactly! Yun nga ang talent ko. To make gaya-gaya puto maya. Nahuli mo ko dun a. Henyo ka nga.
SASUKE: Nge! Ulol yata kausap ko.
TEMARI: Gagawa nalang ako ng mtv pero kailangan ko ng kasama.
LEE: Ako gusto ko sumali.
NARUTO: Gusto mong maging extra?
PIKORI: Isama niyo na rin sina Naruto at Sasuke para umextra.
NARUTO: Ha? Ano?! Dapat si Kankuro yung saling pusa e. Tignan mo o, sa costume palang feeling Pussy Cat Doll na. Yuck!
KANKURO: Tumigil ka nga dyan, NarutoT Maantot!
NARUTO: He, KankuroT mahilig mangurot!
LEE: Anong grupo natin? Black Eyed Peas?
NARUTO: Yuck ayoko nga magka-black eye.
TEMARI: Gusto ko maging si Britney Spears kahit minsan lang sa buhay ko no.
LEE: Tapos back-up dancers kami. Ayos yun!
PIKORI: (kumanta ng IFM theme song) Pwede pwede pwede!
TEMARI: (sa isip kilig na kilig) Bagay na bagay si Sasuke maging dance idol!
NARUTO: Kami sasayaw?
SASUKE: Kung para lang kay Gaara, wag na!
PIKORI: Madali lang naman. (kumuha ng Chippy) Dukot, bigay, dukot abot, tapos alok, alok lang. Ganun!
NARUTO: Paano nga uli yun? Dukot, lukot… ano? (tumayo upang gayahin si Pikori because he is so eager to learn the steps)
SASUKE: Hay naku, Naruto, inuuto ka lang niyan!
KANKURO: Ah basta napagdesisyunan na. Sasuke, Rock Lee, Naruto, mga back-up dancers kayo ni Temari.
NARUTO: Ayoko. Hmp! Gagawa ako ng sarili kong performance. Gusto ko nasa spotlight ako.
TEMARI: Bahala ka.
NARUTO: May games ba tayo?
LEE: WOW! Sali ako dyan!!!
SASUKE: Children’s party ba ito?
LEE: Alam ko na… Magvideoke nalang tayo!
NARUTO: Kankuro, ayaw mo magpayaso nalang? …Hehehe…
KANKURO: Tumigil ka. Inimbitahan ka lang dito para tagaubos ng mga tira-tirang pagkain.
NARUTO: Anong!!! Hoy, Kankuro, feel na feel mo naming magko-costume party tayo, eh meeting palang nagsuot ka na agad ng Felix the Cat outfit mo!
TEMARI: Hoy tigilan niyo na nga yan!
PIKORI: Ok, tama na. Magkita-kita nalang uli tayo for rehearsals. The meeting is adjourned. Goodbye!
LEE: Yez!!! Maghahanap nalang kami ng music video na babagay sa amin!!!
PIKORI: Sana sa sunod kasama na sina Sakura’t Shikamaru. Bakit ba kasi di dumating ang mga yun?
NARUTO: Sabi ni Sakura wala naman daw siyang natanggap. Ewan ko lang kay Shikamaru.
PIKORI: Oh my patatas! Baka kinatay na yung manok na pinadala ko ng invitation! Iisa lang ang manok na nagdadala ng sulat para kay Sakura at Shikamaru!!!
NARUTO: Nghek!!!
KANKURO: Eh bakit kasi manok ang pinadala mo?
PIKORI: Eh mahal maningil ang mga mailbirds ngayon noH! Yung mga manok kasi mababa lang ang lipad kaya swak na swak lang sa budget ko.
LEE: Di bale, wag ka mag-alala Ms. Pikori, ipararating naming sa kanila ang mensahe mo. (winks with a smile that blinds the eyes)
NARUTO: U nga pala, ano bang pwede mairegalo kay Gaara?
TEMARI: Mahirap ipaliwanag eh. Kahit nga kaming mga kapatid niya ay di maintindihan ang mga hilig niya.
PIKORI: Alam mo na Naruto, kahit anu nalang basta may SAND!!!
NARUTO: Sinabi mo eh!

*****

Sa susunod na kabanata…
Ikalawang pagpupulong at ang pinal na paghahanda, abangan ang second to the last episode ng Fool House!!!

Next episode: Fraktis Makes Ferpek!

Linggo, Abril 16, 2006

Episode 7: Ju-On Revelations

PIKORI: Love!
KISAME: Sinong Love?!
PIKORI: He, wag ka sumagot di kita kinakausap... Hoy, Love! Ano ba!
(Lumingon si Gaara)
PIKORI: Kanina pa kita tinatawag di ka naman sumasagot!
(Nahihiya si Gaara)
KISAME: Teka wag niyo sabihing...
PIKORI: Bulok! … Oy Gaara, ipaliwanag mo nga sa amin kung ano bang ibig sabihin ng kanjing yan na nakatatak sa noo mo?
GAARA: Ai.
PIKORI: Che! Jinapanese mo lang. Ganun din yun.
GAARA: Anong gusto mong itawag ko sa iyo? Grudge?
PIKORI: If it's God's will then let it be.
GAARA: Bakit ba?
PIKORI: Wala, chochorva chorva lang. Certified jologs na ako eh. Isigaw! Isigaw!
KISAME: Ang sagwa ng tawagan niyo! Ang PANGET!
PIKORI: Inggit ka lang. Kunwari ka pa gusto mo rin namang makisali.
KISAME: Lalo lang masisira ang dakila kong pangalan.
GAARA: Dakila raw. Hmp! (pesteng peste sa nilalangaw na pagmumukha ni Kisame)
PIKORI: Ayaw mo ba magpabinyag muli? Di ka na makikilalang bulok na kisame. Di na rin sila titingin sa itaas pag tinawag ang pangalan mo!
KISAME: Mas delikado pa pag kayo ang nagbigay ng bagong pangalan ko!
PIKORI: (nagmuni-muni at saka kinilabutan) T...Tama ka, w-w...wag na lang. Bawal banggitin, nakamamatay.
KISAME: Bakit ano bang pangalan ang naisip mo ha?!
PIKORI: O sige sabi niyo yan eh. Basta wag niyo sabihing hindi ko kayo binalaan.
(Tinipon ni Pikori si Gaara at Peropero para sa isang pagbubunyag)
PIKORI: (10… 9… 8… 7… 6… 5… 4… 3… 2… 1…) Si Kisame magiging K***!!!
(Matapos ibulong este ideclare sa hangin ang bagong pangalan ni Kisame ay biglang sumakit ang bituka at atay ni Gaara at tumakbo siyang papuntang banyo. Biglang nasunog ang nilulutong tuknene ni Pikori. Napaihi sa pader si Peropero nang wala sa oras. Ang mukha ni Kisame ay parang naging mukhang great great great great great great great great GREAT GREAT GRANDLOLO dahil sa kahihiyan. At nang bumalik si Gaara, all is not well... They're not crazy, they're just a little unwell)
PIKORI: Wala nang tuknene! Naging abo na!
GAARA: Magsimula tayong muli. Kunyari walang nangyari kanina.
PIKORI: Isang masamang PANGITain to. Ito na nga ang sinasabi nilang Pamahiin.
GAARA: Totoong may taglay na kamalasan ang pangalan niya. Mabuting wag na nating banggitin pa.
KISAME: (galit na galit na galit na galit) AKALA KO BA KAKALIMUTAN NA NATIN YAN?!!!!
PIKORI & GAARA: OO NA!
(There's a long pause of 1 hour. Ito ang ginintuang sandali ng kanilang buhay because Silence is golden. Maya-maya'y biglang pumutok ang tambucho ni Kisame. Di na niya maipit ang galit sa lamang-loob niya)
KISAME: TAMA NA, SOBRA NA, PALITAN NA!!! MAGRESIGN KA NA, NOW NA!!! KUNG HINDI, MAGKUKUDETA AKO! IBABAGSAK KO ANG IYONG PAMUMUNO!!! PINAPIRMA MO LANG PALA KAMI NG PAPELES DITO SA FOOL HOUSE PARA LANG GAWING OBJECT OF RIDICULE MO. PATI PANGALAN NAMIN GUSTO MO I-CHARTER CHANGE. DI MO MAN LANG KAMI INAPPRECIATE, INAPI-CIATE MO PA KAMI! KUNG TUTUUSIN ALIEN KA LANG KAYA WALA KANG LUGAR SA BAHAY NA ITO AT DAIGDIG NA ITO! OO, ISANG ILLEGAL ALIEN KA, DI MALAMAN KUNG SAAN NANGGALING. YOU HAVE STOLEN THE RESIDENCY NOT ONCE BUT TWICE. YOU-ARE-A-RESIDENT EVIL!!!!!
(Na-speechless ang lahat sa speech ni Kisame este spits pala kasi talsik laway. Nagdistribute si Pikori ng Wet Ones Antibacterial Wipes sa lahat ng nabiktima upang makapag-disinfect)
GAARA: (pinupunasan ang noo) Pambihira! Inulanan mo kami ng disgrasya.
PIKORI: (pinipiga ang buhok) Look what you've done! Kailangan ko pa tuloy magpapurify nito. HAYOP KA TALAGA!
KISAME: BUTI PA NGA ANG HAYOP MAY LUGAR SA MUNDONG ITO! IKAW ALIEN KA! KATHANG-ISIP KA LANG. SINONG MANINIWALA SA IYO HA?
(Nanahimik si Pikori pero nagdadabog na parang the Grinch)
GAARA: (binulong kay Kisame) Yari ka dyan!
KISAME: At bakit?!
GAARA: Ibang level na ang galit nyan. Mukhang seryoso na siya.
KISAME: Ano bang nakakatakot sa isang alien? Hihigupin ba ako ng spaceship nya? Papaliitin na parang insekto o pag-eeksperimentuhan gamit ang kanilang pinagmamalaking bagong siyensiya?!
(Biglang yumuko ang ulo ni Pikori na para bang nabalian ng buto sa leeg)
KISAME: Ang dapat sa mga alien na yan, dina-disect... (blah blah blah bula bula bula)
GAARA: (pinagpapawisan) Tumigil ka na.
(Hinanda ni Pikori ang bagong lutong pagkain sa lamesa)
KISAME: Ni isang langgam walang magkakagana sa luto mo! Mabubulok lang yan tulad ng kaluluwa mo! Anong klaseng mga PUTA-he yan ha?!!!
PIKORI: (nagsasalita in a slow creepy scary horrifying terriying hell-raising way habang nagsiswing ang ulong nakayuko sa leeg) Cris-py i-pis, tor-tang da-ga, fried-lice na gi-ni-sa sa lang-gam at la-ngaw o-me-let.
KISAME: Kadiri! Halika na Gaara. Kumain na lang tayo sa labas.
(Tumayo sina Kisame at Gaara. Paalis na sana sila nang hinablot sila ni Pikori sa balikat)
PIKORI: Sa-an ka-yo pu-pun-ta?
KISAME: Napopossess na ata ito.
GAARA: (napalunok sa kaba) Di maaari! Gagamitin na niya ang Ju-on technique!
KISAME: Ju-on?
GAARA: Isa yung pinagbabawal na technique ng mga patay. Ang technique na ito ay inimbento ni Kayako, isang babaeng pinatay ng kanyang asawa sa isang bahay sa Japan ilang taon na ang nakalilipas. Pinatay rin ang kanyang anak na si Toshio at alagang pusa nito. Ito ang paraan ng paghihiganti, isang klase ng sumpa na mahirap baliin.
KISAME: Nagbibiro ka lang di ba? I-ibig sabihin p-patay na rin ang isang ito? (tinuro si Pikori gamit ang nguso, a Filipino-style of turo-turo)
GAARA: Oo... Pinatay ko na siya noon.
(Di makapaniwala si KISAY-me. Nanginginig ata ang kanyang mga tinik)
KISAME: T-t-teka eh di dapat patay ka na rin! Dapat Jinuon ka na niya noon pa!
GAARA: Tama ka. Pero nabuhay akong muli dahil sa kanyang paniniwala.
KISAME: Paniniwala?
GAARA: Ang Kenny theory of South Park. Ito ay kung saan ang isang mahalagang tauhan ng kwento na namamatay palagi ay maaari pang mabuhay nang paulit-ulit sa bawat episode.
KISAME: Posible kayang buhayin pa niya tayo?
GAARA: Di ko masasagot ang katanungan na iyan... Kasalanan mo ito. Pinipigilan kita kanina pero hindi ka nakikinig.
KISAME: A-ano bang kayang gawin sa atin ng genjutsu na yan?
GAARA: Mental torture lang naman hanggang sa unti-unti kang humantong sa iyong kamatayan.
(Kisame gulps gulps gulps and gulps)
GAARA: Maniwala ka. Pinagdaanan ko na iyan at masasabi kong hindi ito makakabuti sa iyong physical, mental, spiritual, emotional at social health.
KISAME: Y-yan p-pala ang t-tinatagong s-sikreto niya.
GAARA: Kaya wag na wag mo siyang gagalitin ng husto.
KISAME: (kumapit sa Samehada) Labanan natin siya!
GAARA: Hangal! Wala ring magagawa yan. Kahit anong gawin mo, babalikan at babalikan ka pa rin niya. Di siya titigil hanggang maging malamig na bangkay ka na. Di mo kayang patayin muli ang isang patay na!
KISAME: Ikaw pala ang hangal! Ba't mo kasi siya pinatay noon?!
GAARA: Kailangan pa bang imemorize yan? Eh ano kayang dahilan at gusto mo rin siyang patayin ngayon ha?!
(Nagbalik sa kanyang isipan ang nakaraan nila Pikori)

*flashback*
PIKORI: Alam nyo ba na si Gaara ay nakatira sa sand castle?... I'll huff and I'll puff until I blow your house away! Beh!
(Hinabol si Pikori ng isang quick sand kaya nagtatakbo ito. Finally, nahuli rin siya ng buhangin ni Gaara)
PIKORI: Gaara-sama, gomen nasai!!!! Libre na lang kita ng SAND-wich."
GAARA: Magtigil ka... Etong sa iyo, Sabaku kyuu, sabaku sousou!
PIKORI: Wah! Mumultuhin kita! //X_X\\ (falls dead)
*end of flash gordon este flushback ehhhrgh... FLASHBACK!!!*

KISAME: Hoy Gaara buhay ka pa ba dyan?
GAARA: Ha? Ah eh oo... (itinuloy ang lessons) May iba't ibang style ang Ju-on no jutsu. Ang Creepy Crawling style at Appear-Disappear Act palang ang nakikita ko.
KISAME: Anong Appear-Disappear?
GAARA: Yung pasulpot-sulpot na lang kung saan-saan at biglang mawawala na parang bula... Ang totoo nga niyan kaya rin niyang mag-kagebunshin. Ang pagkakaalam ko meron pa siyang ibang secret moves. Basta ang lahat ng iyan ay hahantong sa Death Grab, ang final attack niya. Siguradong marami siyang kayang gawin kaya humanda ka.
(Nagsimula na ang Kaya-croak ni Pikori. Sinapian na nga siya ni Kayako. Bumaon ang mga cuckoo kuko niya sa mga balikat nila. Unti-unting lumalapit sa kanila ang hanging head ni Pikori)
GAARA: Ang tunog na iyon! Senyales yan ng pag-atake niya!
(Winagayway ni Kisame hindi ang watawat kundi ang Samehada niya upang matigok si Pikori ngunit biglang nawala ito at lumitaw in just 0.002 seconds sa likod nila)
KISAME: (parang natatarantang tarantula) Ano na?!!! Lalaban ba tayo o babawi?!!!
GAARA: (natataranta na parang Tantra) Iisa lang ang naiisip kong paraan. Ang Peek-A-Boo Counter Curse! Gayahin mo ang hand seal ko. Ganituhin mo ang mga kamay mo habang tinitignan siya. Siguradong babalik rin siya sa normal. (Dinemonstrate ang peek-a-boo curse breaker na mapapanood mismo sa Ju-On The Grudge)
(Gaya-gaya-puto-fish etong si Kisame. They look like pure tangengots. After a while of peek-a-booing with Pikori bumalik na uli sa pagiging good alien 9 si Pikori)
KISAME: (nabunutan ng tinik) Hay salamat!
PIKORI: Di niyo na ako iiwan dito?
KISAME: (napilitan kahit masakit sa lamang-loob) Di na!
GAARA: Mabuti pa sigurong humingi ka ng tawad.
KISAME: Ano?! Ako?!! Ayoko nga! Totoo naman lahat ng sinabi ko kanina eh!
PIKORI: O sige na. Wag na nga lang. Di ko naman matatanggap ang iyong sorry. Uulit ka rin naman sa susunod eh. O paano, tara na!
GAARA: Kelangan pa ba naming kainin yang hinanda mo?
PIKORI: Hmmm. Okay lang kahit hindi basta sa isang kondisyon.
GAARA & KISAME: Kondisyon?!
PIKORI: Kakain tayo sa labas at ililibre niyo ko!!!
(Napabagsak sa sahig si Kisame sa sobrang shockwave. Parang nagsanib tuloy ang sahig at Kisame. Si Gaara ay napa-buntung hininga na lang. Mukhang kailangan niyang pasukahing muli ang kanyang wallet with a force.)
PIKORI: O ano? Saan tayo?
KISAME: Sa mamihan.
PIKORI: Ang cheap niyo naman! Manlilibre na nga lang kayo eh hindi pa sa isang mamahaling restaurant!
GAARA: Baka gusto mo sa turu-turo.
PIKORI: Pwede na rin. Hilig ko ang extra rice, patis at tuyo!
(Kinilabutan si Kisame sa salitang patis at tuyo. It's from the fish you know.)
GAARA: Kahit pa kumain ka ng nakakamay.
(Dumiretso na sila sa kanto at naabutan nilang sumasayaw sa harap ng karinderya sina Ethel Booba, Pekto, at Rainier Castillo para sa MTV ng Jologs Guide. Try niyo nga panoorin sa GMA7 at baka makita niyo rin ang tatlong jologs ng Fool House na nakikiextra sa camera)

*****

PS: Kung gusto ninyong malaman kung ano ang ibig sabihin ng K*** na ipinangalan ni Pikori kay Kisame sa simula ng episode na ito, just read the first 2 letters ng pangalan ni Kisame. Be sure to cleanse and purify yourselves after knowing the correct answer.

*****

Sa susunod na kabanata...
Hinahanda na ng mga housemates ang birthday ni Gaara. Ano kaya ang mga binabalak nila? At sinu-sino kaya ang mga invited at the uninvited?
Next episode: The Invited