I-welcome muna natin ang mga fool housemates:
“Hindi tao, hindi hayop, pero nakakatinik – si Kisame!!!”
(palakpakan ang mga sea creatures kasama si Spongebob)
“Mabuhangin ang dating kaya siya’y nakakapuwing din – si Gaara!!!”
(palakpakan ang mga sand creatures at raccoon dogs)
“Mukha man siyang tao, taga-ibang planeta rin pero di malaman kung saan nanggaling – si Pikori!!!”
(palakpakan ang mga alien)
“At kung inaakala ninyong wala nang pero pero, meron pa – si Peropero!”
(palakpakan ang mga aso)
*****
Let me introduce you to our home.
Daan patungo sa amin

Welcome to our haunted house

Living room pero walang living

Garden view mula sa living room

Dining kung saan pinapalamon ang mga palamunin

Isa lamang sa mga daanan sa bahay

View ng sala mula sa pinakamalaking kwarto

Stairway to heaven or hell

*****
Si Kisame ay may malaking problema. Ano naman kaya iyon? At anu-ano kayang mga kabaliwan ang mangyayari?
Abangan ang kanilang mga baka adventures sa susunod na kabanata…
Premiere episode: Ang Kisame ng Bahay
1 komento:
akala ko tuloy bahay n'yo 'yon. napaisip ako. bahay pala 'yon ng idol mong si kayako. astig. parang house tour. new job? pwede. gusto ko ngang makuha yung blueprint ng bahay na 'yan, di ko lang alam kung saan kukuhanin. kaya mo 'yan.
Mag-post ng isang Komento