Biyernes, Enero 27, 2006

Episode 6: Sabihin Mo Sa Akin

(Walang misyon ngayon ang mga ninja. Lumipas ang oras at sila ay nakababad lamang sa loob ng bahay. Si Gaara ay nakaupo lang sa sahig at nakikinig ng radyo. Biglang pinatugtog ang theme song ng Kampanerang Kuba...)

"Ang tunay bang pag-ibig ay merong mukha
Ang puso ay saan tumitingin..."

(Napatulala si Gaara sa radyo)
"Ang mga ulap ba ay dapat kong hawiin
Upang maglaho ang dilim na bumabalot sa akin..."

(Nakatingin na si Gaara sa mga ulap sa labas ng pinto. Para bang gusto niyang hawiin ang mga ito)
"Ang pag-ibig ba ay may kinikilingan
Namimili ba ng dapat mahalin..."

(Napadaan si Pikori na napansing nagsesenti ang housemate sa kanta ni Sheryn Regis)
"Anong kailangan kong gawin upang pag-ibig ay maramdaman
Kahit lang saglit..."

(Pinanood ni Pikori ang pag-eemote ni Gaara na sa sobrang pagkaabsorb sa kanta ay di na napansing nagsisimula na siyang makakalap ng audience)
"Ano ba ang mayroon sila na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba ay kakaiba sa kanilang paningin..."

(Napadaan din si Kisame na kanina lang ay patagong nanonood ng Spongebob Square Pants sa kwarto)

KISAME: Piko, anong pinapanood mo dyan? Nakiki-KUBA ka na rin ba?
PIKORI: Ssshhh... baka maistorbo mo si Gaara o! (sabay turo kay Gaara)

"Ako ba ay may pagkukulang na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila, sabihin mo sa akin..."

(Patuloy sa pagrereminisce ang isa, habang ginawa na nilang reality show itong si Kampanerong Gaara, na mukhang nakuba na sa bigat ng dinadala niyang Gaarapon sa likod. Nang matapos na ang buong kanta, bigla nalang nagwala itong si Gaara. Sumakit uli ang ulo niya at nagkaroon ng mood swings. Ganyan yan pagmay-naaalala sa nakaraan. Nagmamadaling lumapit ang dalawa nang sinimulan nang iuntog ni Gaara ang ulo niya sa pader.)

PIKORI: Tama na, Gaara!!! Please wag, parang awa mo na!!! Baka mawasak ang pader!!!! ...Kisame, kumuha ka ng pampakalma!!!

(Di na rin alam ni Kisame ang gagawin kaya kahit labag sa kalooban ay tumingin sya sa medicine cabinet. Pag nawasak ang pader, damay ang haligi. Ayaw na niyang mabagsakan muli ng kisame... it's a pain to the head. )

(Maya-maya'y isang commercial ang lumabas mula sa tv ng kwarto...
"Wag nang matigas ang ulo. If you see signs of autism in your child, seek help and give them a chance at a better life. Call Project Embrace...")

(Bumalik si Kisame na mukha nang galit na piranha)
KISAME: Wala nang gamot, naubos na pala niya!!! Paano na yan? Kailangan daanin na sa dahas ang isang yan. (ilalabas na ang samehada)
PIKORI: Hoy, panis ba utak mo? Gusto mo pang padaliin ang pagwasak ng bahay na to! ...Dali, tumawag ka sa Project Embrace!

(Pinapunta silang tatlo sa building for interview and appointment)

PSYCHIATRIST: Good afternoon, sir, ma'am, may I help you?
PIKORI: Dr, tingin po namin autistic ang batang ito. (sabay patong ng kamay sa balikat ni Gaara na nakasimangot na, habit na naman yun e)
PSYCHIATRIST: Gaara, ang pangalan ng pasyente, hindi ba?
(Tumango ang tatlong itlog nang sabay-sabay. Ito ang tinatawag na unity.)
PSYCHIATRIST: Hmmm... kakaiba... (inoobserbahan si Gaara from head to toe sabay tingin sa bio data) Di pa ko nakakaencounter ng ganitong case... Eh, anak, nyo po ba?
KISAME: (pop vein, nagdabog sa table) Hoy dr, gusto nyo po ba ng away??!!!
PIKORI: (shows signs of nausea and vommiting) ... (huminga ng malalim) Dr, naman!!! Nakakainsulto sa pagkatao ko yan! Di po ba kayo marunong magclassify ng species sa isang tingin???
PSYCHIATRIST: P...p-pasensiya na di ako expert sa taxonomy eh... tao lang po...
GAARA: (sweat drops)
KISAME: Mas gugustuhin ko pang mapugutan ng ulo kesa maging a-SAWA yan!
PIKORI: Tama! Mas maganda kung mapupugutan siya ng ulo!!! Nagtitiyaga lang naman ako sa kalansaan niya for the sake of our show.
KISAME: Aba! Aba! Nananadya ka na naman ha!!!
PSYCHIATRIST: O sige na sir, ma'am, relax lang po! Makakasama ang bangayan sa isipan ng bata!
GAARA: Walang kaso yan. Yan ang normal sa lifestyle nila.
PIKORI: Dr, please lang po. Call me MISS!!!
PSYCHIATRIST: Nauunawaan ko po. Pasensya na po talaga. Sorry po talaga sa mga sinabi ko kanina. Halata naman pong di kayo magkakapamilya sa isang tinginan. Sinisiguro ko lang po kasi baka kako ampon niyo lamang siya.
PIKORI: Naniniwala po ba kayo sa kasabihan, "Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay?" ...Pero hindi po ang isang ito ang tipo kong pangit!!!
KISAME: Ah ganun?! Mapili ka pa rin pala pagdating sa mga pangit. Mas gusto mo siguro yung mas pangit pa as in pinakapangit sa buong kalawakan!!!
PIKORI: Heller! Nabibilang ka sa category na yun! Meron pa kayang mas papangit pa sa iyo? Kaya nga nasusuklam ako sa face mo! Dapat alam mo na yun dahil araw-araw mo namang nakikita mukha mo sa salamin!!!
PSYCHIATRIST: Excuse me po, hindi po ito counseling. Maitanong ko lang po, ano bang relasyon ninyo sa isa't isa?
PIKORI: House relationship, nakatira sa iisang bubong, kisame, sahig at dingding. At dahil nakatira kami sa Fool House, kami ay tinatawag na fool housemates.
KISAME: Ikaw lang ang FOOL!!!
PSYCHIATRIST: (Bago pa makasagot si Pikori ay sumingit na siya) Okey, okey... Sisimulan ko na ang interview at psychological test kay Gaara... Gaara, come with me to another room.

(Lumabas na ang psychiatrist. Sumama si Gaarang napipilitan lang. Hinahanda niya ang sarili sa kung ano mang balak na masama ng duktor. Yan ang ninja, parang boy scout, dapat laging handa... handang sumalakay. Samantala, ang dalawang kanina pa nagtatalo ay nagsimulang maglaban sa pamamagitan ng makasaysayang laro… ang Jack en Poy hale hale hoy sinong matalo siyang tanga!!!)

PIKORI: Di porket partner mo si Itachi ay genius ka na rin tulad niya!
KISAME: At anong tingin mo sa sarili mo, isang henyo?
PIKORI: Oo! Dahil ang mga alien na katulad ko ay advanced ang science and technology di tulad ninyong mga ninja. Bulok!
KISAME: At least mas marami kaming mga fighting techniques na ginagamit kesa sa inyo na umaasa lang sa mga makina!!! ... Tignan lang natin. Ang larong ito ang maghuhusga sa atin!
PIKORI & KISAME: Jack and Poy...!!!

(Balikan naman natin ang sinasagutan nang tests ni Gaara. Silipin natin ang ilang questions sa loob nitong I.Q. quiz na ito...)

Question no. 1. If 2 cars are moving in the same direction and the other car is faster than the other, explain what will happen to the cars.
a. Magbabanggaan.
b. Huhulihin ng pulis.
c. Sasabog dahil wawasakin ko ang mga kotse.
d. Hihinto dahil magpapasagasa ako.

Gaara's answer: C

Question no. 2. Tinamaan ka ng bato sa langit, ano ang gagawin mo?
a. Mambabato ako ng tinapay.
b. Ibabalik ko ang bato sa langit.
c. Lulunukin ko ang bato at sisigaw ng "DARNA!"
d. Isasama ko ang bato sa koleksyon ko.
e. Wala dahil hinimatay na ako sa pagbato.

Gaara's answer: D

Question no. 3. Bakit bilog ang mundo?
a. Dahil parang Ginebra San Miguel
b. Upang madali itong pagulungin
c. Upang di nakakaatusok ang sides
d. Ayoko nga ng hugis. Gusto ko cube.

Gaara's answer: B

Question no. 4. Nanonood ka ng sine nang bigla kang tinawag ng kalikasan sa gitna ng exciting na eksena, paano na?
a. May baon akong arinola or any container for that situation.
b. Magrerelease nalang ako sa upuan ko.
c. Babasagin ko ang screen para di rin nila mapanood ang susunod na eksena.
d. Makapagsuggest nga na lagyan nila ng built-in toilet ang mga seats.

Gaara's answer: C

Question no. 5. Idescribe mo ang mga katanungan sa test na ito.
a. Mahusay! Kitang-kitang pinaghirapan ang questionnaire.
b. Boring. Kulang pa para mastimulate ang mind ko. Zzzzzz...
c. Ang hirap! Nakakaubos ng energy pati ng chakra.
d. Parang basura! Nakakasayang ng oras ko. Ang sarap itapon sa mukha ng gumawa ng test na to.

Gaara's answer: D


Habang patuloy ang pagsusuri sa pasyente, natalo naman si Pikori sa jack en poy.

KISAME: Ha! Talo ka, eh di fool ka nga!!!
PIKORI: Ang daya mo! Mutant ninja fish ka kaya ang reflexes mo 99.9% faster than the leading brand.
KISAME: Palusot ka na naman.
(May isang nurse na pumasok sa room at may dalang portable videoke set)
NURSE: Excuse me po. Medyo matatagalan pa po kayo kaya nagdala po ako ng pampatanggal-inip ninyo.
KISAME: Ayos to ah! Ma-eexercise na rin sa wakas uli ang vocal chords ko.
PIKORI: Exercise? Baka exorcise! ... Kelangan ko na ata takpan ang tenga ko... Nurse, pwede bang dalhan mo ako ng earmuffs? Kahit bulak pwede na.
(Namili na si Kisame ng kakantahin habang kumuha ang nars ng necessities nila. Si Pikori naman ay di na mapakali na para bang nakalanghap ng droga’t nabangag. A little later, bumalik na si Nars Sars. Nagsimula nang kumanta si Kisame ng Ocean Deep (Japanese version). Bagay na bagay since galing nga siya sa depths of the ocean. Sa video fineature ang mga underwater sea creatures na kamag-anak niya. Ang di lang bagay ay ang boses, kaya si Piko-chan at Nars Sars ay nagtambak ng sangkatutak na bulak sa tenga. Halos mag-agawan pa nga silang dalawa na para bang dito nakasalalay ang kanilang survival. Ang masaklap pa dito ay sinundan pa ni Kisame ng kantang "Haruka Kanata." Maya-maya'y naubos na ang stock ng cotton sa building na yun. Nagdala nalang ang nurse ng 1st aid kit just in case magdugo pa rin ang kanilang tenga. Nang matapos bumirit, lahat ng nagtatrabaho sa lugar na iyon ay nabunutan ng tinik. Who will believe, ang score na lumabas sa screen ay 100 % Perfect? Pati ang videoke machine ay natakot sa pagmumukha ni Kisame kaya kahit non-living thing pa ito ay nakuha pa nitong magsinungaling mailigtas lamang ang kanyang life span. Nakiagaw agad si Pikori sa Wow Magic Sing bago pa mapili ni Kisame ang theme song ng Little Mermaid na “Under the Sea” or kahit anong kanta ng grupong Aqua. )

PIKORI: My turn! (nagscan na siya ng song of choice niya)

(Maraming pagpipiliang kanta, halos abutin na ng forever ang pagpili niya ng kakantahin. Ilan lamang sa mga exotic songs ay ito:)
WOW MAGIC SING BY BAYANI FERNANDO
GALAW GALAWGAW BY MARC LOGETS
CHICHARONG BULAKLAK BY SEXBALLS
HAPPY BIRTHDAY BY ORANGE AND LEMONS
THREE BEARS SONG BY JUSTIN TIMBERLAKE
BANANAS IN PAJAMAS BY SIRA GERONIMO
FIRST DAY FUNK BY LUCIANO PAVAROTTI
CRAZY FROG BY NINA
SPONGE BOB SQUARE PANTS BY ASHANTI
HARI NG SABLAY (JAPANESE VERSION) BY HANAMICHI SAKURAGI
DATU PUTI JUMBO BY JAY-R
MABIBILASA BY TINDERA SA PALENGKE


Pinili ni Pikori ang kantang "MABIBILASA" na buong puso't kaluluwa niyang inaalay para sa kisame ng bahay. Ang setting sa music video ay nagpapakita ng wet market kung saan bumibisita si Mr. Palengke upang makasiguro kung fresh pa ang mga tinda dito. Isang tindera sa screen ang makikitang nagtatago... Sinimulan na ni Pikori ang kanta.)

***Note: Ang kantang ito ay spoof ng MAMIMISS KITA BY FATHER AND SON.

PIKORI: (sings chorus) "Oh mabibilasa! Ang aking isda
Mahirap na itong tindahin
Dahil ito ay napanis na
O mabibilasa!
Mahal na mahal ang fish
Wag kang mag-alala at ito ay babalik sa singkwenta..."


(Di pa nga natatapos ni Pikori ang kanta ay biglang hinati ni Kisame ang monitor gamit ang loyal ever na samehada niya.)
PIKORI: Ba't mo ginawa yun? Di mo ba nagustuhan ang dedicated song ko para lamang sa iyo ha!? PARA LAMANG SA IYOOOO...!!!
KISAME: Wala kang kabuhay-buhay! Dapat ka nang katayin!!!
PIKORI: Anong tingin mo dito? K! The ONE MILLION VIDSHOKE Challenge?
KISAME: Ginagawa mo na kasing Bilaukan challenge yan eh!!!
PIKORI: Eh ikaw kaya anong tingin mo sa ginawa mo ha?! Di mo ba alam nagkagiyera na sa mundo dahil sa boses mo?!!! Akala mo ba makakasali ka sa SEARCH FOR THE STAR-FISH IN A MILLION!?
KISAME: Aba! Di mo ba alam daig ko pa ang mga singer na halos buong araw nagpapakalunod sa balon para lang gumanda ang boses? Baka nalilimutan mo kung saan ako lumaki.
PIKORI: Sa aquarium!
KISAME: Grrrrr…
NURSE: Excuse me po, Mr. Shark-face. Kelangan po ninyong bayaran ang damage na ginawa ninyo sa tv screen at pati na rin sa hearing ng mga employees.
KISAME: Anooo!!!
(Iniba ni Pikori ang usapan)
PIKORI: Nurse, ano po ba talaga eksakto itong Project Embrace?
NURSE: Ah... etong Project Embrace ay ini-launch ng Project Arms.
PIKORI: P...project Arms? P...p-parang alam ko yun ah! Di ba delikado yan?
KISAME: Eh ano naman ba ang ginagawa ninyo dito?
NURSE: Niyayakap po namin ang mga pasyente. We give them a BIG HUG!!! ...Meron nga po kaming mga mascots dito. Pwede po piliin kung sinong character ang yayakap sa bata... May Big Bird, Jollibee, Barney, Mickey Mouse... At ang theme song po namin ay "Open Arms."
KISAME: Ngek!!! Yan ba ang pinagmamalaki ninyo?
NURSE: Usually nirerekomenda po namin na ituloy ang mga therapy sa bahay.
KISAME: Ibig sabihin mag-uuwi pa kami ng mascot para lang dun?
NURSE: Di naman po exactly. Pwedeng kayo na po mismo ang gumawa. Pero kung ayaw po ng pasyente sa inyo, pwede po kayo bumili sa amin ng costume ng paborito niyang mascot na isusuot niyo na lang.
PIKORI: Gaano naman po kadalas?
NURSE: Depende sa dosage na kailangan. For example, 5 yakap sa umaga, 3 sa tanghali at 4 sa gabi. May time limit din po ang bawat yakap. Ang pinakamaiksi ay 1 sec at madalas na pinakamatagal ay umaabot ng 24/7. Ibibigay rin po ang schedule ng eksaktong oras. Di po pwede maging earlier or later than the given time, dahil according to researchers nagwawala raw ang mga pasyente pag di nasunod ito.
KISAME: Kailangan ba talaga yakapin yang si Gaara? Kahit mabulok ako sa kabaong di ko gagawin yun!
PIKORI: Sira! Sa tingin mo ba magpapayakap rin yun sa iyo? Lalo yun masisirain ng bait. Ang yakap mo kasi ang tinatawag na YUCK-AP! ... Ba't di ka na lang magsuot ng costume ng Winnie Da Pooh para naman di masuka si Gaara sa pagmumukha mo.
KISAME: Aba, laiterang 'to! Kung ikaw nga siguradong papatayin mo lang lalo ang pasyente dahil sa SAKAL!!!
NURSE: Ah... eh ... meron po talagang ganung therapy.
KISAME & PIKORI: Ng ano? Ng SAKAL???
NURSE: Opo. Kapag nagwawala po ang pasyente pwede po yun ibigay sa kanya.
KISAME: Ano ba namang klase ito?! Di kaya ang mga doktor at nurse dito ang kailangan ng sakal?
PIKORI: This is absoultely ridiculous!!!

(After the mind-boggling exam ni Gaara, ininterview siya at binigyan pa ng ink blot and picture interpretation tests. Shoshongo-shongo ang psychiatrist sa takot sa mukha ni Gaara at sa makatinding balahibong mga kasagutan nito. Ang tingin niya kasi sa mga ink blots ay puro patak ng dugo ng mga biktima niya at mga watak-watak na buto, katawan at internal organs nila. Nang pinakita naman sa kanya ang picture ng mga foolitical kurakots, ay gusto na raw niyang durugin ang mga lamang-loob ng mga ito at isama sa kanyang buhangin. Mas kurakot, mas maganda ang mixture. Nang pinagawa naman siya ng kwento tungkol kay Hello Garci ay pinapalagay naman niyang mabubura na "literally" ang pagmumukha nito sa Sanrio World of Malacañang na siyang gagawin ng Eraserheads at magiging Goodbye Garci na ito. Noong pinakita naman sa kanya ang mga screen captures ng Kampanerang Kuba kung saan ipinagtatanggol ng mga kaibigang daga si Imang laban kay Martin ay bigla nalang sumakit ang ulo niya at nagwala. Sinakal niya ng buhangin ang duktor. Tuturukan sana siya ng mga nars ng pampakalma ngunit naputol ang karayom dahil sa armor of sand niya. Dito napatunayang tunay ngang may topak siya. Dinaiagnose siya ng isang psychopathic illness at hindi autistism. Nang pinakawalan na ni Gaara ang praning nang psychiatrist ay tumakbo na ang duktor pabalik sa opisina niya upang ihatid ang bad news.)

(Biglang bumakas ang pinto)
PSYCHIATRIST: (natataranta) Sir, Ma'am, malala na po ang kondisyon niya!!! Kailangan na po siyang i-rehabilitate sa isang mental hospital upang mamonitor 24 hrs, 7 days a week, 365 days a year!!! Kung maaari po sana ay ngayon din!!!
(Nagsisigawan ang mga nurse at mga tao sa labas)
PSYCHIATRIST: Nirerekomenda ko rin po naming i-under siya sa isang prefontal lobotomy.
KISAME: Teka, ano yun???
PSYCHIATRIST: Ooperahan po ang kanyang utak.
PIKORI: Aba teka! Di ata pwede yan. Imposible ang mga sinasabi ninyo. Di niyo kayang basagin ang ulo ng batang yan!
PSYCHIATRIST: At kayo rin po sana ay kailangan rin naming i-quarantine dahil maaari rin kayong magpakita ng signs of psychosis.
KISAME: Di totoo yan!
PIKORI: Ayoko na dito!
KISAME: Umalis na tayo! (binalibag ang mesa at winasak ang pinto gamit ang everlasting durable Samehada)
PIKORI: Gaara!
GAARA: Anong nangyayari?! Anong gagawin nila sa akin?! Ano? ANO??!! Sabihin mo, SABIHIN MO SA AKIN!!!!
KISAME: Wag ka na nga magsalita! Umalis na tayo kundi ikukulong nila tayo pare-pareho sa mental.
PIKORI: AYAW!!! AYAW!!!
KISAME: Alam ko. Dahil nanggaling ka na dun!
PIKORI: (sinipa si Kisame) Baka!!!
(Sa lakas ng sipa ni Pikori, bumangga ang ulo ni Kisame sa Fire Alarm. Nagkagulo tuloy ang lahat sa tunog ng alarm na siya namang sinamantala ng lokong Trio upang makatakas.)
PIKORI: Sandali! Hintay naman. Ang bibilis ninyo. (Kumapit si Pikori kay Gaara na parang si Kayako... in a scary... creepy fashioned way... gamit ang mga patay na kuko na nagbabanta ng kamatayan)

(Nang makabalik na sa fool house, lahat ay napabuntung-hininga)
KISAME: Mabuti't nakaalis tayo sa mga pekeng duktor na yun ah!
GAARA: Hindi sila mga psychologists kundi mga psycho.
PIKORI: (dumapa sa sahig at parang gustong yakapin ang bahay) There's no place like home... Home sweet home...

*****

Sa susunod na kabanata...
Sino ba talaga si Pikori? Anong misteryo ang bumabalot sa babaeng alien na ito? Ano ang mga tinatago niyang mga lihim at kakayahan? Bakit siya dapat katakutan?
Next episode: Ju-on Revelations

Walang komento: