Linggo, Abril 16, 2006

Episode 7: Ju-On Revelations

PIKORI: Love!
KISAME: Sinong Love?!
PIKORI: He, wag ka sumagot di kita kinakausap... Hoy, Love! Ano ba!
(Lumingon si Gaara)
PIKORI: Kanina pa kita tinatawag di ka naman sumasagot!
(Nahihiya si Gaara)
KISAME: Teka wag niyo sabihing...
PIKORI: Bulok! … Oy Gaara, ipaliwanag mo nga sa amin kung ano bang ibig sabihin ng kanjing yan na nakatatak sa noo mo?
GAARA: Ai.
PIKORI: Che! Jinapanese mo lang. Ganun din yun.
GAARA: Anong gusto mong itawag ko sa iyo? Grudge?
PIKORI: If it's God's will then let it be.
GAARA: Bakit ba?
PIKORI: Wala, chochorva chorva lang. Certified jologs na ako eh. Isigaw! Isigaw!
KISAME: Ang sagwa ng tawagan niyo! Ang PANGET!
PIKORI: Inggit ka lang. Kunwari ka pa gusto mo rin namang makisali.
KISAME: Lalo lang masisira ang dakila kong pangalan.
GAARA: Dakila raw. Hmp! (pesteng peste sa nilalangaw na pagmumukha ni Kisame)
PIKORI: Ayaw mo ba magpabinyag muli? Di ka na makikilalang bulok na kisame. Di na rin sila titingin sa itaas pag tinawag ang pangalan mo!
KISAME: Mas delikado pa pag kayo ang nagbigay ng bagong pangalan ko!
PIKORI: (nagmuni-muni at saka kinilabutan) T...Tama ka, w-w...wag na lang. Bawal banggitin, nakamamatay.
KISAME: Bakit ano bang pangalan ang naisip mo ha?!
PIKORI: O sige sabi niyo yan eh. Basta wag niyo sabihing hindi ko kayo binalaan.
(Tinipon ni Pikori si Gaara at Peropero para sa isang pagbubunyag)
PIKORI: (10… 9… 8… 7… 6… 5… 4… 3… 2… 1…) Si Kisame magiging K***!!!
(Matapos ibulong este ideclare sa hangin ang bagong pangalan ni Kisame ay biglang sumakit ang bituka at atay ni Gaara at tumakbo siyang papuntang banyo. Biglang nasunog ang nilulutong tuknene ni Pikori. Napaihi sa pader si Peropero nang wala sa oras. Ang mukha ni Kisame ay parang naging mukhang great great great great great great great great GREAT GREAT GRANDLOLO dahil sa kahihiyan. At nang bumalik si Gaara, all is not well... They're not crazy, they're just a little unwell)
PIKORI: Wala nang tuknene! Naging abo na!
GAARA: Magsimula tayong muli. Kunyari walang nangyari kanina.
PIKORI: Isang masamang PANGITain to. Ito na nga ang sinasabi nilang Pamahiin.
GAARA: Totoong may taglay na kamalasan ang pangalan niya. Mabuting wag na nating banggitin pa.
KISAME: (galit na galit na galit na galit) AKALA KO BA KAKALIMUTAN NA NATIN YAN?!!!!
PIKORI & GAARA: OO NA!
(There's a long pause of 1 hour. Ito ang ginintuang sandali ng kanilang buhay because Silence is golden. Maya-maya'y biglang pumutok ang tambucho ni Kisame. Di na niya maipit ang galit sa lamang-loob niya)
KISAME: TAMA NA, SOBRA NA, PALITAN NA!!! MAGRESIGN KA NA, NOW NA!!! KUNG HINDI, MAGKUKUDETA AKO! IBABAGSAK KO ANG IYONG PAMUMUNO!!! PINAPIRMA MO LANG PALA KAMI NG PAPELES DITO SA FOOL HOUSE PARA LANG GAWING OBJECT OF RIDICULE MO. PATI PANGALAN NAMIN GUSTO MO I-CHARTER CHANGE. DI MO MAN LANG KAMI INAPPRECIATE, INAPI-CIATE MO PA KAMI! KUNG TUTUUSIN ALIEN KA LANG KAYA WALA KANG LUGAR SA BAHAY NA ITO AT DAIGDIG NA ITO! OO, ISANG ILLEGAL ALIEN KA, DI MALAMAN KUNG SAAN NANGGALING. YOU HAVE STOLEN THE RESIDENCY NOT ONCE BUT TWICE. YOU-ARE-A-RESIDENT EVIL!!!!!
(Na-speechless ang lahat sa speech ni Kisame este spits pala kasi talsik laway. Nagdistribute si Pikori ng Wet Ones Antibacterial Wipes sa lahat ng nabiktima upang makapag-disinfect)
GAARA: (pinupunasan ang noo) Pambihira! Inulanan mo kami ng disgrasya.
PIKORI: (pinipiga ang buhok) Look what you've done! Kailangan ko pa tuloy magpapurify nito. HAYOP KA TALAGA!
KISAME: BUTI PA NGA ANG HAYOP MAY LUGAR SA MUNDONG ITO! IKAW ALIEN KA! KATHANG-ISIP KA LANG. SINONG MANINIWALA SA IYO HA?
(Nanahimik si Pikori pero nagdadabog na parang the Grinch)
GAARA: (binulong kay Kisame) Yari ka dyan!
KISAME: At bakit?!
GAARA: Ibang level na ang galit nyan. Mukhang seryoso na siya.
KISAME: Ano bang nakakatakot sa isang alien? Hihigupin ba ako ng spaceship nya? Papaliitin na parang insekto o pag-eeksperimentuhan gamit ang kanilang pinagmamalaking bagong siyensiya?!
(Biglang yumuko ang ulo ni Pikori na para bang nabalian ng buto sa leeg)
KISAME: Ang dapat sa mga alien na yan, dina-disect... (blah blah blah bula bula bula)
GAARA: (pinagpapawisan) Tumigil ka na.
(Hinanda ni Pikori ang bagong lutong pagkain sa lamesa)
KISAME: Ni isang langgam walang magkakagana sa luto mo! Mabubulok lang yan tulad ng kaluluwa mo! Anong klaseng mga PUTA-he yan ha?!!!
PIKORI: (nagsasalita in a slow creepy scary horrifying terriying hell-raising way habang nagsiswing ang ulong nakayuko sa leeg) Cris-py i-pis, tor-tang da-ga, fried-lice na gi-ni-sa sa lang-gam at la-ngaw o-me-let.
KISAME: Kadiri! Halika na Gaara. Kumain na lang tayo sa labas.
(Tumayo sina Kisame at Gaara. Paalis na sana sila nang hinablot sila ni Pikori sa balikat)
PIKORI: Sa-an ka-yo pu-pun-ta?
KISAME: Napopossess na ata ito.
GAARA: (napalunok sa kaba) Di maaari! Gagamitin na niya ang Ju-on technique!
KISAME: Ju-on?
GAARA: Isa yung pinagbabawal na technique ng mga patay. Ang technique na ito ay inimbento ni Kayako, isang babaeng pinatay ng kanyang asawa sa isang bahay sa Japan ilang taon na ang nakalilipas. Pinatay rin ang kanyang anak na si Toshio at alagang pusa nito. Ito ang paraan ng paghihiganti, isang klase ng sumpa na mahirap baliin.
KISAME: Nagbibiro ka lang di ba? I-ibig sabihin p-patay na rin ang isang ito? (tinuro si Pikori gamit ang nguso, a Filipino-style of turo-turo)
GAARA: Oo... Pinatay ko na siya noon.
(Di makapaniwala si KISAY-me. Nanginginig ata ang kanyang mga tinik)
KISAME: T-t-teka eh di dapat patay ka na rin! Dapat Jinuon ka na niya noon pa!
GAARA: Tama ka. Pero nabuhay akong muli dahil sa kanyang paniniwala.
KISAME: Paniniwala?
GAARA: Ang Kenny theory of South Park. Ito ay kung saan ang isang mahalagang tauhan ng kwento na namamatay palagi ay maaari pang mabuhay nang paulit-ulit sa bawat episode.
KISAME: Posible kayang buhayin pa niya tayo?
GAARA: Di ko masasagot ang katanungan na iyan... Kasalanan mo ito. Pinipigilan kita kanina pero hindi ka nakikinig.
KISAME: A-ano bang kayang gawin sa atin ng genjutsu na yan?
GAARA: Mental torture lang naman hanggang sa unti-unti kang humantong sa iyong kamatayan.
(Kisame gulps gulps gulps and gulps)
GAARA: Maniwala ka. Pinagdaanan ko na iyan at masasabi kong hindi ito makakabuti sa iyong physical, mental, spiritual, emotional at social health.
KISAME: Y-yan p-pala ang t-tinatagong s-sikreto niya.
GAARA: Kaya wag na wag mo siyang gagalitin ng husto.
KISAME: (kumapit sa Samehada) Labanan natin siya!
GAARA: Hangal! Wala ring magagawa yan. Kahit anong gawin mo, babalikan at babalikan ka pa rin niya. Di siya titigil hanggang maging malamig na bangkay ka na. Di mo kayang patayin muli ang isang patay na!
KISAME: Ikaw pala ang hangal! Ba't mo kasi siya pinatay noon?!
GAARA: Kailangan pa bang imemorize yan? Eh ano kayang dahilan at gusto mo rin siyang patayin ngayon ha?!
(Nagbalik sa kanyang isipan ang nakaraan nila Pikori)

*flashback*
PIKORI: Alam nyo ba na si Gaara ay nakatira sa sand castle?... I'll huff and I'll puff until I blow your house away! Beh!
(Hinabol si Pikori ng isang quick sand kaya nagtatakbo ito. Finally, nahuli rin siya ng buhangin ni Gaara)
PIKORI: Gaara-sama, gomen nasai!!!! Libre na lang kita ng SAND-wich."
GAARA: Magtigil ka... Etong sa iyo, Sabaku kyuu, sabaku sousou!
PIKORI: Wah! Mumultuhin kita! //X_X\\ (falls dead)
*end of flash gordon este flushback ehhhrgh... FLASHBACK!!!*

KISAME: Hoy Gaara buhay ka pa ba dyan?
GAARA: Ha? Ah eh oo... (itinuloy ang lessons) May iba't ibang style ang Ju-on no jutsu. Ang Creepy Crawling style at Appear-Disappear Act palang ang nakikita ko.
KISAME: Anong Appear-Disappear?
GAARA: Yung pasulpot-sulpot na lang kung saan-saan at biglang mawawala na parang bula... Ang totoo nga niyan kaya rin niyang mag-kagebunshin. Ang pagkakaalam ko meron pa siyang ibang secret moves. Basta ang lahat ng iyan ay hahantong sa Death Grab, ang final attack niya. Siguradong marami siyang kayang gawin kaya humanda ka.
(Nagsimula na ang Kaya-croak ni Pikori. Sinapian na nga siya ni Kayako. Bumaon ang mga cuckoo kuko niya sa mga balikat nila. Unti-unting lumalapit sa kanila ang hanging head ni Pikori)
GAARA: Ang tunog na iyon! Senyales yan ng pag-atake niya!
(Winagayway ni Kisame hindi ang watawat kundi ang Samehada niya upang matigok si Pikori ngunit biglang nawala ito at lumitaw in just 0.002 seconds sa likod nila)
KISAME: (parang natatarantang tarantula) Ano na?!!! Lalaban ba tayo o babawi?!!!
GAARA: (natataranta na parang Tantra) Iisa lang ang naiisip kong paraan. Ang Peek-A-Boo Counter Curse! Gayahin mo ang hand seal ko. Ganituhin mo ang mga kamay mo habang tinitignan siya. Siguradong babalik rin siya sa normal. (Dinemonstrate ang peek-a-boo curse breaker na mapapanood mismo sa Ju-On The Grudge)
(Gaya-gaya-puto-fish etong si Kisame. They look like pure tangengots. After a while of peek-a-booing with Pikori bumalik na uli sa pagiging good alien 9 si Pikori)
KISAME: (nabunutan ng tinik) Hay salamat!
PIKORI: Di niyo na ako iiwan dito?
KISAME: (napilitan kahit masakit sa lamang-loob) Di na!
GAARA: Mabuti pa sigurong humingi ka ng tawad.
KISAME: Ano?! Ako?!! Ayoko nga! Totoo naman lahat ng sinabi ko kanina eh!
PIKORI: O sige na. Wag na nga lang. Di ko naman matatanggap ang iyong sorry. Uulit ka rin naman sa susunod eh. O paano, tara na!
GAARA: Kelangan pa ba naming kainin yang hinanda mo?
PIKORI: Hmmm. Okay lang kahit hindi basta sa isang kondisyon.
GAARA & KISAME: Kondisyon?!
PIKORI: Kakain tayo sa labas at ililibre niyo ko!!!
(Napabagsak sa sahig si Kisame sa sobrang shockwave. Parang nagsanib tuloy ang sahig at Kisame. Si Gaara ay napa-buntung hininga na lang. Mukhang kailangan niyang pasukahing muli ang kanyang wallet with a force.)
PIKORI: O ano? Saan tayo?
KISAME: Sa mamihan.
PIKORI: Ang cheap niyo naman! Manlilibre na nga lang kayo eh hindi pa sa isang mamahaling restaurant!
GAARA: Baka gusto mo sa turu-turo.
PIKORI: Pwede na rin. Hilig ko ang extra rice, patis at tuyo!
(Kinilabutan si Kisame sa salitang patis at tuyo. It's from the fish you know.)
GAARA: Kahit pa kumain ka ng nakakamay.
(Dumiretso na sila sa kanto at naabutan nilang sumasayaw sa harap ng karinderya sina Ethel Booba, Pekto, at Rainier Castillo para sa MTV ng Jologs Guide. Try niyo nga panoorin sa GMA7 at baka makita niyo rin ang tatlong jologs ng Fool House na nakikiextra sa camera)

*****

PS: Kung gusto ninyong malaman kung ano ang ibig sabihin ng K*** na ipinangalan ni Pikori kay Kisame sa simula ng episode na ito, just read the first 2 letters ng pangalan ni Kisame. Be sure to cleanse and purify yourselves after knowing the correct answer.

*****

Sa susunod na kabanata...
Hinahanda na ng mga housemates ang birthday ni Gaara. Ano kaya ang mga binabalak nila? At sinu-sino kaya ang mga invited at the uninvited?
Next episode: The Invited

Biyernes, Enero 27, 2006

Episode 6: Sabihin Mo Sa Akin

(Walang misyon ngayon ang mga ninja. Lumipas ang oras at sila ay nakababad lamang sa loob ng bahay. Si Gaara ay nakaupo lang sa sahig at nakikinig ng radyo. Biglang pinatugtog ang theme song ng Kampanerang Kuba...)

"Ang tunay bang pag-ibig ay merong mukha
Ang puso ay saan tumitingin..."

(Napatulala si Gaara sa radyo)
"Ang mga ulap ba ay dapat kong hawiin
Upang maglaho ang dilim na bumabalot sa akin..."

(Nakatingin na si Gaara sa mga ulap sa labas ng pinto. Para bang gusto niyang hawiin ang mga ito)
"Ang pag-ibig ba ay may kinikilingan
Namimili ba ng dapat mahalin..."

(Napadaan si Pikori na napansing nagsesenti ang housemate sa kanta ni Sheryn Regis)
"Anong kailangan kong gawin upang pag-ibig ay maramdaman
Kahit lang saglit..."

(Pinanood ni Pikori ang pag-eemote ni Gaara na sa sobrang pagkaabsorb sa kanta ay di na napansing nagsisimula na siyang makakalap ng audience)
"Ano ba ang mayroon sila na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba ay kakaiba sa kanilang paningin..."

(Napadaan din si Kisame na kanina lang ay patagong nanonood ng Spongebob Square Pants sa kwarto)

KISAME: Piko, anong pinapanood mo dyan? Nakiki-KUBA ka na rin ba?
PIKORI: Ssshhh... baka maistorbo mo si Gaara o! (sabay turo kay Gaara)

"Ako ba ay may pagkukulang na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila, sabihin mo sa akin..."

(Patuloy sa pagrereminisce ang isa, habang ginawa na nilang reality show itong si Kampanerong Gaara, na mukhang nakuba na sa bigat ng dinadala niyang Gaarapon sa likod. Nang matapos na ang buong kanta, bigla nalang nagwala itong si Gaara. Sumakit uli ang ulo niya at nagkaroon ng mood swings. Ganyan yan pagmay-naaalala sa nakaraan. Nagmamadaling lumapit ang dalawa nang sinimulan nang iuntog ni Gaara ang ulo niya sa pader.)

PIKORI: Tama na, Gaara!!! Please wag, parang awa mo na!!! Baka mawasak ang pader!!!! ...Kisame, kumuha ka ng pampakalma!!!

(Di na rin alam ni Kisame ang gagawin kaya kahit labag sa kalooban ay tumingin sya sa medicine cabinet. Pag nawasak ang pader, damay ang haligi. Ayaw na niyang mabagsakan muli ng kisame... it's a pain to the head. )

(Maya-maya'y isang commercial ang lumabas mula sa tv ng kwarto...
"Wag nang matigas ang ulo. If you see signs of autism in your child, seek help and give them a chance at a better life. Call Project Embrace...")

(Bumalik si Kisame na mukha nang galit na piranha)
KISAME: Wala nang gamot, naubos na pala niya!!! Paano na yan? Kailangan daanin na sa dahas ang isang yan. (ilalabas na ang samehada)
PIKORI: Hoy, panis ba utak mo? Gusto mo pang padaliin ang pagwasak ng bahay na to! ...Dali, tumawag ka sa Project Embrace!

(Pinapunta silang tatlo sa building for interview and appointment)

PSYCHIATRIST: Good afternoon, sir, ma'am, may I help you?
PIKORI: Dr, tingin po namin autistic ang batang ito. (sabay patong ng kamay sa balikat ni Gaara na nakasimangot na, habit na naman yun e)
PSYCHIATRIST: Gaara, ang pangalan ng pasyente, hindi ba?
(Tumango ang tatlong itlog nang sabay-sabay. Ito ang tinatawag na unity.)
PSYCHIATRIST: Hmmm... kakaiba... (inoobserbahan si Gaara from head to toe sabay tingin sa bio data) Di pa ko nakakaencounter ng ganitong case... Eh, anak, nyo po ba?
KISAME: (pop vein, nagdabog sa table) Hoy dr, gusto nyo po ba ng away??!!!
PIKORI: (shows signs of nausea and vommiting) ... (huminga ng malalim) Dr, naman!!! Nakakainsulto sa pagkatao ko yan! Di po ba kayo marunong magclassify ng species sa isang tingin???
PSYCHIATRIST: P...p-pasensiya na di ako expert sa taxonomy eh... tao lang po...
GAARA: (sweat drops)
KISAME: Mas gugustuhin ko pang mapugutan ng ulo kesa maging a-SAWA yan!
PIKORI: Tama! Mas maganda kung mapupugutan siya ng ulo!!! Nagtitiyaga lang naman ako sa kalansaan niya for the sake of our show.
KISAME: Aba! Aba! Nananadya ka na naman ha!!!
PSYCHIATRIST: O sige na sir, ma'am, relax lang po! Makakasama ang bangayan sa isipan ng bata!
GAARA: Walang kaso yan. Yan ang normal sa lifestyle nila.
PIKORI: Dr, please lang po. Call me MISS!!!
PSYCHIATRIST: Nauunawaan ko po. Pasensya na po talaga. Sorry po talaga sa mga sinabi ko kanina. Halata naman pong di kayo magkakapamilya sa isang tinginan. Sinisiguro ko lang po kasi baka kako ampon niyo lamang siya.
PIKORI: Naniniwala po ba kayo sa kasabihan, "Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay?" ...Pero hindi po ang isang ito ang tipo kong pangit!!!
KISAME: Ah ganun?! Mapili ka pa rin pala pagdating sa mga pangit. Mas gusto mo siguro yung mas pangit pa as in pinakapangit sa buong kalawakan!!!
PIKORI: Heller! Nabibilang ka sa category na yun! Meron pa kayang mas papangit pa sa iyo? Kaya nga nasusuklam ako sa face mo! Dapat alam mo na yun dahil araw-araw mo namang nakikita mukha mo sa salamin!!!
PSYCHIATRIST: Excuse me po, hindi po ito counseling. Maitanong ko lang po, ano bang relasyon ninyo sa isa't isa?
PIKORI: House relationship, nakatira sa iisang bubong, kisame, sahig at dingding. At dahil nakatira kami sa Fool House, kami ay tinatawag na fool housemates.
KISAME: Ikaw lang ang FOOL!!!
PSYCHIATRIST: (Bago pa makasagot si Pikori ay sumingit na siya) Okey, okey... Sisimulan ko na ang interview at psychological test kay Gaara... Gaara, come with me to another room.

(Lumabas na ang psychiatrist. Sumama si Gaarang napipilitan lang. Hinahanda niya ang sarili sa kung ano mang balak na masama ng duktor. Yan ang ninja, parang boy scout, dapat laging handa... handang sumalakay. Samantala, ang dalawang kanina pa nagtatalo ay nagsimulang maglaban sa pamamagitan ng makasaysayang laro… ang Jack en Poy hale hale hoy sinong matalo siyang tanga!!!)

PIKORI: Di porket partner mo si Itachi ay genius ka na rin tulad niya!
KISAME: At anong tingin mo sa sarili mo, isang henyo?
PIKORI: Oo! Dahil ang mga alien na katulad ko ay advanced ang science and technology di tulad ninyong mga ninja. Bulok!
KISAME: At least mas marami kaming mga fighting techniques na ginagamit kesa sa inyo na umaasa lang sa mga makina!!! ... Tignan lang natin. Ang larong ito ang maghuhusga sa atin!
PIKORI & KISAME: Jack and Poy...!!!

(Balikan naman natin ang sinasagutan nang tests ni Gaara. Silipin natin ang ilang questions sa loob nitong I.Q. quiz na ito...)

Question no. 1. If 2 cars are moving in the same direction and the other car is faster than the other, explain what will happen to the cars.
a. Magbabanggaan.
b. Huhulihin ng pulis.
c. Sasabog dahil wawasakin ko ang mga kotse.
d. Hihinto dahil magpapasagasa ako.

Gaara's answer: C

Question no. 2. Tinamaan ka ng bato sa langit, ano ang gagawin mo?
a. Mambabato ako ng tinapay.
b. Ibabalik ko ang bato sa langit.
c. Lulunukin ko ang bato at sisigaw ng "DARNA!"
d. Isasama ko ang bato sa koleksyon ko.
e. Wala dahil hinimatay na ako sa pagbato.

Gaara's answer: D

Question no. 3. Bakit bilog ang mundo?
a. Dahil parang Ginebra San Miguel
b. Upang madali itong pagulungin
c. Upang di nakakaatusok ang sides
d. Ayoko nga ng hugis. Gusto ko cube.

Gaara's answer: B

Question no. 4. Nanonood ka ng sine nang bigla kang tinawag ng kalikasan sa gitna ng exciting na eksena, paano na?
a. May baon akong arinola or any container for that situation.
b. Magrerelease nalang ako sa upuan ko.
c. Babasagin ko ang screen para di rin nila mapanood ang susunod na eksena.
d. Makapagsuggest nga na lagyan nila ng built-in toilet ang mga seats.

Gaara's answer: C

Question no. 5. Idescribe mo ang mga katanungan sa test na ito.
a. Mahusay! Kitang-kitang pinaghirapan ang questionnaire.
b. Boring. Kulang pa para mastimulate ang mind ko. Zzzzzz...
c. Ang hirap! Nakakaubos ng energy pati ng chakra.
d. Parang basura! Nakakasayang ng oras ko. Ang sarap itapon sa mukha ng gumawa ng test na to.

Gaara's answer: D


Habang patuloy ang pagsusuri sa pasyente, natalo naman si Pikori sa jack en poy.

KISAME: Ha! Talo ka, eh di fool ka nga!!!
PIKORI: Ang daya mo! Mutant ninja fish ka kaya ang reflexes mo 99.9% faster than the leading brand.
KISAME: Palusot ka na naman.
(May isang nurse na pumasok sa room at may dalang portable videoke set)
NURSE: Excuse me po. Medyo matatagalan pa po kayo kaya nagdala po ako ng pampatanggal-inip ninyo.
KISAME: Ayos to ah! Ma-eexercise na rin sa wakas uli ang vocal chords ko.
PIKORI: Exercise? Baka exorcise! ... Kelangan ko na ata takpan ang tenga ko... Nurse, pwede bang dalhan mo ako ng earmuffs? Kahit bulak pwede na.
(Namili na si Kisame ng kakantahin habang kumuha ang nars ng necessities nila. Si Pikori naman ay di na mapakali na para bang nakalanghap ng droga’t nabangag. A little later, bumalik na si Nars Sars. Nagsimula nang kumanta si Kisame ng Ocean Deep (Japanese version). Bagay na bagay since galing nga siya sa depths of the ocean. Sa video fineature ang mga underwater sea creatures na kamag-anak niya. Ang di lang bagay ay ang boses, kaya si Piko-chan at Nars Sars ay nagtambak ng sangkatutak na bulak sa tenga. Halos mag-agawan pa nga silang dalawa na para bang dito nakasalalay ang kanilang survival. Ang masaklap pa dito ay sinundan pa ni Kisame ng kantang "Haruka Kanata." Maya-maya'y naubos na ang stock ng cotton sa building na yun. Nagdala nalang ang nurse ng 1st aid kit just in case magdugo pa rin ang kanilang tenga. Nang matapos bumirit, lahat ng nagtatrabaho sa lugar na iyon ay nabunutan ng tinik. Who will believe, ang score na lumabas sa screen ay 100 % Perfect? Pati ang videoke machine ay natakot sa pagmumukha ni Kisame kaya kahit non-living thing pa ito ay nakuha pa nitong magsinungaling mailigtas lamang ang kanyang life span. Nakiagaw agad si Pikori sa Wow Magic Sing bago pa mapili ni Kisame ang theme song ng Little Mermaid na “Under the Sea” or kahit anong kanta ng grupong Aqua. )

PIKORI: My turn! (nagscan na siya ng song of choice niya)

(Maraming pagpipiliang kanta, halos abutin na ng forever ang pagpili niya ng kakantahin. Ilan lamang sa mga exotic songs ay ito:)
WOW MAGIC SING BY BAYANI FERNANDO
GALAW GALAWGAW BY MARC LOGETS
CHICHARONG BULAKLAK BY SEXBALLS
HAPPY BIRTHDAY BY ORANGE AND LEMONS
THREE BEARS SONG BY JUSTIN TIMBERLAKE
BANANAS IN PAJAMAS BY SIRA GERONIMO
FIRST DAY FUNK BY LUCIANO PAVAROTTI
CRAZY FROG BY NINA
SPONGE BOB SQUARE PANTS BY ASHANTI
HARI NG SABLAY (JAPANESE VERSION) BY HANAMICHI SAKURAGI
DATU PUTI JUMBO BY JAY-R
MABIBILASA BY TINDERA SA PALENGKE


Pinili ni Pikori ang kantang "MABIBILASA" na buong puso't kaluluwa niyang inaalay para sa kisame ng bahay. Ang setting sa music video ay nagpapakita ng wet market kung saan bumibisita si Mr. Palengke upang makasiguro kung fresh pa ang mga tinda dito. Isang tindera sa screen ang makikitang nagtatago... Sinimulan na ni Pikori ang kanta.)

***Note: Ang kantang ito ay spoof ng MAMIMISS KITA BY FATHER AND SON.

PIKORI: (sings chorus) "Oh mabibilasa! Ang aking isda
Mahirap na itong tindahin
Dahil ito ay napanis na
O mabibilasa!
Mahal na mahal ang fish
Wag kang mag-alala at ito ay babalik sa singkwenta..."


(Di pa nga natatapos ni Pikori ang kanta ay biglang hinati ni Kisame ang monitor gamit ang loyal ever na samehada niya.)
PIKORI: Ba't mo ginawa yun? Di mo ba nagustuhan ang dedicated song ko para lamang sa iyo ha!? PARA LAMANG SA IYOOOO...!!!
KISAME: Wala kang kabuhay-buhay! Dapat ka nang katayin!!!
PIKORI: Anong tingin mo dito? K! The ONE MILLION VIDSHOKE Challenge?
KISAME: Ginagawa mo na kasing Bilaukan challenge yan eh!!!
PIKORI: Eh ikaw kaya anong tingin mo sa ginawa mo ha?! Di mo ba alam nagkagiyera na sa mundo dahil sa boses mo?!!! Akala mo ba makakasali ka sa SEARCH FOR THE STAR-FISH IN A MILLION!?
KISAME: Aba! Di mo ba alam daig ko pa ang mga singer na halos buong araw nagpapakalunod sa balon para lang gumanda ang boses? Baka nalilimutan mo kung saan ako lumaki.
PIKORI: Sa aquarium!
KISAME: Grrrrr…
NURSE: Excuse me po, Mr. Shark-face. Kelangan po ninyong bayaran ang damage na ginawa ninyo sa tv screen at pati na rin sa hearing ng mga employees.
KISAME: Anooo!!!
(Iniba ni Pikori ang usapan)
PIKORI: Nurse, ano po ba talaga eksakto itong Project Embrace?
NURSE: Ah... etong Project Embrace ay ini-launch ng Project Arms.
PIKORI: P...project Arms? P...p-parang alam ko yun ah! Di ba delikado yan?
KISAME: Eh ano naman ba ang ginagawa ninyo dito?
NURSE: Niyayakap po namin ang mga pasyente. We give them a BIG HUG!!! ...Meron nga po kaming mga mascots dito. Pwede po piliin kung sinong character ang yayakap sa bata... May Big Bird, Jollibee, Barney, Mickey Mouse... At ang theme song po namin ay "Open Arms."
KISAME: Ngek!!! Yan ba ang pinagmamalaki ninyo?
NURSE: Usually nirerekomenda po namin na ituloy ang mga therapy sa bahay.
KISAME: Ibig sabihin mag-uuwi pa kami ng mascot para lang dun?
NURSE: Di naman po exactly. Pwedeng kayo na po mismo ang gumawa. Pero kung ayaw po ng pasyente sa inyo, pwede po kayo bumili sa amin ng costume ng paborito niyang mascot na isusuot niyo na lang.
PIKORI: Gaano naman po kadalas?
NURSE: Depende sa dosage na kailangan. For example, 5 yakap sa umaga, 3 sa tanghali at 4 sa gabi. May time limit din po ang bawat yakap. Ang pinakamaiksi ay 1 sec at madalas na pinakamatagal ay umaabot ng 24/7. Ibibigay rin po ang schedule ng eksaktong oras. Di po pwede maging earlier or later than the given time, dahil according to researchers nagwawala raw ang mga pasyente pag di nasunod ito.
KISAME: Kailangan ba talaga yakapin yang si Gaara? Kahit mabulok ako sa kabaong di ko gagawin yun!
PIKORI: Sira! Sa tingin mo ba magpapayakap rin yun sa iyo? Lalo yun masisirain ng bait. Ang yakap mo kasi ang tinatawag na YUCK-AP! ... Ba't di ka na lang magsuot ng costume ng Winnie Da Pooh para naman di masuka si Gaara sa pagmumukha mo.
KISAME: Aba, laiterang 'to! Kung ikaw nga siguradong papatayin mo lang lalo ang pasyente dahil sa SAKAL!!!
NURSE: Ah... eh ... meron po talagang ganung therapy.
KISAME & PIKORI: Ng ano? Ng SAKAL???
NURSE: Opo. Kapag nagwawala po ang pasyente pwede po yun ibigay sa kanya.
KISAME: Ano ba namang klase ito?! Di kaya ang mga doktor at nurse dito ang kailangan ng sakal?
PIKORI: This is absoultely ridiculous!!!

(After the mind-boggling exam ni Gaara, ininterview siya at binigyan pa ng ink blot and picture interpretation tests. Shoshongo-shongo ang psychiatrist sa takot sa mukha ni Gaara at sa makatinding balahibong mga kasagutan nito. Ang tingin niya kasi sa mga ink blots ay puro patak ng dugo ng mga biktima niya at mga watak-watak na buto, katawan at internal organs nila. Nang pinakita naman sa kanya ang picture ng mga foolitical kurakots, ay gusto na raw niyang durugin ang mga lamang-loob ng mga ito at isama sa kanyang buhangin. Mas kurakot, mas maganda ang mixture. Nang pinagawa naman siya ng kwento tungkol kay Hello Garci ay pinapalagay naman niyang mabubura na "literally" ang pagmumukha nito sa Sanrio World of Malacañang na siyang gagawin ng Eraserheads at magiging Goodbye Garci na ito. Noong pinakita naman sa kanya ang mga screen captures ng Kampanerang Kuba kung saan ipinagtatanggol ng mga kaibigang daga si Imang laban kay Martin ay bigla nalang sumakit ang ulo niya at nagwala. Sinakal niya ng buhangin ang duktor. Tuturukan sana siya ng mga nars ng pampakalma ngunit naputol ang karayom dahil sa armor of sand niya. Dito napatunayang tunay ngang may topak siya. Dinaiagnose siya ng isang psychopathic illness at hindi autistism. Nang pinakawalan na ni Gaara ang praning nang psychiatrist ay tumakbo na ang duktor pabalik sa opisina niya upang ihatid ang bad news.)

(Biglang bumakas ang pinto)
PSYCHIATRIST: (natataranta) Sir, Ma'am, malala na po ang kondisyon niya!!! Kailangan na po siyang i-rehabilitate sa isang mental hospital upang mamonitor 24 hrs, 7 days a week, 365 days a year!!! Kung maaari po sana ay ngayon din!!!
(Nagsisigawan ang mga nurse at mga tao sa labas)
PSYCHIATRIST: Nirerekomenda ko rin po naming i-under siya sa isang prefontal lobotomy.
KISAME: Teka, ano yun???
PSYCHIATRIST: Ooperahan po ang kanyang utak.
PIKORI: Aba teka! Di ata pwede yan. Imposible ang mga sinasabi ninyo. Di niyo kayang basagin ang ulo ng batang yan!
PSYCHIATRIST: At kayo rin po sana ay kailangan rin naming i-quarantine dahil maaari rin kayong magpakita ng signs of psychosis.
KISAME: Di totoo yan!
PIKORI: Ayoko na dito!
KISAME: Umalis na tayo! (binalibag ang mesa at winasak ang pinto gamit ang everlasting durable Samehada)
PIKORI: Gaara!
GAARA: Anong nangyayari?! Anong gagawin nila sa akin?! Ano? ANO??!! Sabihin mo, SABIHIN MO SA AKIN!!!!
KISAME: Wag ka na nga magsalita! Umalis na tayo kundi ikukulong nila tayo pare-pareho sa mental.
PIKORI: AYAW!!! AYAW!!!
KISAME: Alam ko. Dahil nanggaling ka na dun!
PIKORI: (sinipa si Kisame) Baka!!!
(Sa lakas ng sipa ni Pikori, bumangga ang ulo ni Kisame sa Fire Alarm. Nagkagulo tuloy ang lahat sa tunog ng alarm na siya namang sinamantala ng lokong Trio upang makatakas.)
PIKORI: Sandali! Hintay naman. Ang bibilis ninyo. (Kumapit si Pikori kay Gaara na parang si Kayako... in a scary... creepy fashioned way... gamit ang mga patay na kuko na nagbabanta ng kamatayan)

(Nang makabalik na sa fool house, lahat ay napabuntung-hininga)
KISAME: Mabuti't nakaalis tayo sa mga pekeng duktor na yun ah!
GAARA: Hindi sila mga psychologists kundi mga psycho.
PIKORI: (dumapa sa sahig at parang gustong yakapin ang bahay) There's no place like home... Home sweet home...

*****

Sa susunod na kabanata...
Sino ba talaga si Pikori? Anong misteryo ang bumabalot sa babaeng alien na ito? Ano ang mga tinatago niyang mga lihim at kakayahan? Bakit siya dapat katakutan?
Next episode: Ju-on Revelations

Linggo, Nobyembre 13, 2005

Episode 5: Dumating si Itachi

*Knock Knock*
*No answer*
ITACHI: Tao po!
PIKORI: (Di binubuksan ang pinto) Walang tao rito. Alien, isda, at halimaw lang ang naninirahan dito.
ITACHI: Dito ba nakatira si Kisame?
PIKORI: Walang bahay na walang kisame.
(Nainip si Itachi kaya winasak nalang niya ang pinto)
ITACHI: Gomen Kudasai. (pumasok sa loob ng bahay)
PIKORI: Sinong nagbigay ng permiso sa iyong gibain yan? Alam mo ba kung magkano ang ginastos para lang sa pintong yan?
ITACHI: Si Kisame, gusto ko siyang makausap.
PIKORI: I-i-i-i-ta-i-i-tach-chi? Itachi-sama, pasensya na! Sandali lang po.

(sa kwarto ni Kisame)
PIKORI: Hoy Kisa, si Ita!
KISAME: Si Itay nandyan?
PIKORI: Shonga! Si Ita!
KISAME: May Ita? Bakit nagkaroon ng katutubo rito?
PIKORI: Si Ita-chi, Itachi!!!
KISAME: Ba’t di mo naman sinabi kaagad? Masyado ka pa pasuspense. Isusumbong kita kay Itachi.
PIKORI: Uy wag, sige ka baka kaliskisan kita.

(dumiretso sila sa living room kung saan naghihintay si Itachi)

ITACHI: (binuksan ang tv set habang panay pindot sa remote) Nakakabagot naman ang mga palabas na to. Puro Woweewee, Eat Butiki…

Tumugtog ang theme song ng Woweewee:
Wow weewee sinong di mawi-weewee
Dito sa kubeta ko ikaw ay maiihi!
Wow weewee sa banyo ang marami
Dahil walang banyo sa Wow weewee!!!

(pinatay tuloy ni Itachi ang tv dahil sa inis)

PIKORI: Itachi-sama, anong gusto ninyo, tsaa o juice?
KISAME: Wag Itachi! Lalagyan niya yan ng gayuma! Mangkukulam yan!
PIKORI: (tinapakan ang paa ni Kisame) Baka gusto mo lasunin kita ng cyanide.
ITACHI: Tsaa nalang ang akin.
PIKORI: Sasamahan ko na rin ng merienda.
KISAME: Di ka dapat nagtitiwala sa pagkain nyan. Kung anu-ano hinahalo nga nya sa pagkain namin.
ITACHI: Ginugutom na ako. Kaya nga napadaan muna ako ditto para makalibre ng merienda. Sawa na ako sa mga pagkain sa labas. Gusto ko naman makatikim ng kakaiba.
KISAME: Makakatikim ka talaga ng kakaiba!
(Dumating si Pikori na dala ang tray ng pagkain. Kinuha ni Itachi ang baso nya at iinumin na sana niya nang…)
KISAME: Sandali wag mo muna inumin yan, Itachi. Hoy, Piko, anong tea yan?
PIKORI: Charantia.
KISAME: Ano itong isa pang mas maliit na baso?
PIKORI: Shooter.
KISAME: Anong shooter? Ang aga-aga pa!
PIKORI: Eh di lactovitale!
KISAME: Tignan mo nga Itachi! Sinabi ko sa iyo eh. Sigurado pati yang siopao na yan iba ang palaman. Mag-ingat ka.
ITACHI: (biglang nagalit ang tiyan ni Itachi, gutom na kasi) ^^”””” Pwede na rin pagtiyagaan basta hindi nakamamatay. (sabay kain na dahil baka magwala pa ang angry tummy niya)
PIKORI: Ikaw Kisame ang lumalason sa isip niya! Mabuti para sa kalusugan ni Itachi ang hinanda ko.
KISAME: Ano na? Tapos ka na ba? Kung pwede ba tumabi ka nga at nakakaistorbo ka sa min.
(Tumabi sa gilid si Piko-chan na parang istatwang nakatayo o isang gwardyang nagbabantay sa rebulto ni Rizal)
KISAME: Umalis ka nga sa tabi!!!
(Nagrereklamo ang isdang walang palikpik kaya lumipat siya ng pwesto sa likuran)
KISAME: Ano bang ginagawa mo sa likod namin?
PIKORI: Pinapatabi mo ko kaya tumabi ako. Tapos sinabi umalis ako sa tabi kaya andito ako sa likod.
KISAME: Ay ewan! Basta lumayo ka! Ba’t ba ang kulit mo?
PIKORI: Baka may kailanganin pa si Itachi eh.
KISAME: Sus! Eh di tatawagin nalang kita. O baka nag-aabang ka lang dahil may nilagay ka ngang gayuma.
PIKORI: (sinipa si Kisame sa likod) Ang sama mo talaga. Ba’t mo ba ko tinataboy? Confidential ba usapan ninyo? Hmp! Baka gusto mo lang siya solohin, shoke!

(Umalis si Pikori at nagtago sa loob ng kwarto habang nakasilip sa siwang ng pinto)

GAARA: Sinong sinisilip mo dyan?
PIKORI: Si Uchiha Itachi.
GAARA: Ano, Uchiha? (biglang nakisilip rin)
PIKORI: Sinabi ko lang Uchiha nag-iba na agad kilos mo.
GAARA: Kamukha ba ni Sasuke? Kaanu-ano nga ba nya yun?
PIKORI: Heller! Kapatid po niya! Syempre magkahawig sila no!
GAARA: Di lahat kaya ng magkakapatid magkakamukha.
PIKORI: Oo nga no! Kung sa bagay, si Temari lang pala nagmana ng kagandahan ng mommy nyo.
(binungo siya ni Gaara kasi nakikisiksik ang totoy bobbo sa butas, marahil naasar rin sa sinabi ni Pikoy)
PIKORI: Aray! Wag mo nga ako bungguin.
GAARA: (nakatingin kay Itachi) Gusto ko rin siyang makalaban balang araw.
PIKORI: In ur dreams, pwede ba tigilan mo yang pagpapantasya mo. ‘Tsaka kaunti nalang silang Uchiha. Dapat ipreserve ang mga endangered species.
GAARA: Wa akong paki sa mga concerns mo. At pwde ba wag mo na ko idamay sa pagiging makahayop mo.
(Dahil nag-aagawan sa pwesto, nagbungguan ang ulo nila)
PIKORI: Aray! Wag mo nga ako untugin! Ulitin mo pa at mabibiyak na bungo ko.
GAARA: Ang likot mo kasi.
PIKORI: Eh iniipit mo ko eh! Sumosobra na talaga kayo ni Kisame. Palibhasa mas malakas kayo kaya minamaliit nyo ko.
GAARA: O sige na nga! Eto tignan mo!
(nagshare sila sa kakarampot na butas habang pinanood nila ang 2 Akatsuki)

(Kumuha si Itachi ng siopao. Pipigilan sana ni Kisame kaso nakakagat na siya. Nagtaka si Itachi kung bakit hindi mahiwa ng kanyang ngipin ang tinapay. Sinuri niya ito at all sides. Bigla nalang gumalaw ang magic siopao. Itinaas nito ang ulo at tinubuan ng dalawang mata, kumakawag na buntot at dila!!! )
ITACHI: Siopao ba talaga ito!!??? (O_O)””””
KISAME: Patay! Sinasabi ko na ba! Aso yan ni Pikori, si Peropero.
ITACHI: Ito, aso? Anong klaseng aso ito? ^^””””” (pinasa si Peropero kay Kisame)
KISAME: (kausap ang nakadilang doggie) Nambebelat ka na naman ha! Pipisakin na kita!!!
(tumakbo to the rescue si Pikori)
PIKORI: (hinablot si Pero-chan mula sa kisame este mula kay Kisame) Get your dirty fins off my puppy! (kay Itachi) Gomen Nasai! (tumakbo uli pabalik sa kwarto)

GAARA: Di ka rin palpak ano?
PIKORI: Anong magagawa ko kung si Pero-chan ay pinaglihi sa siopao?
(pause)
PIKORI: Ano na bang ginagawa nila?
GAARA: Malalaman din natin yan. (Humulma ng mata si Gaara mula sa buhangin)
PIKORI: Sus may technique ka pala! Dapat kanina mo pa ginamit yan para sinolo ko na yung butas. Sandali, yan ba ang mata ni Sadako?
GAARA: Hindeee! Ito ang ikatlong mata!!!
PIKORI: Ah! Siguro yan yung ginagamit mong pamboso no!
GAARA: (siniko si Pi) Wag mo nga itulad kay Kisame!
PIKORI: Awch! Para akong tinamaan ng kahoy sa siko mo. (kinuha si Peropero bilang panangga) Next time na gagawin mo uli yan may cushion na ko for protection.
GAARA: Gawin mo kung anong gusto mo, di ko naman alaga yan.
PIKORI: Totoo nga ba yung sinabi mo kanina? Namboboso ba talaga si Kisame?
GAARA: Hindi mo alam? Nagpapanggap yun na kisame sa publikong paliguan. Minsan isda pa nga, kaya walang nakakapansin.
PIKORI: Kalokohan!
GAARA: Ano ka ba! Lahat ng ninja marunong gumamit ng technique na pagpapalit anyo kaya kayang-kaya niya yun. Yun pa!
PIKORI: Oo nga pala. Eh di ikaw din!
GAARA: Sira!
PIKORI: Nagmamalinis ka pa!
GAARA: Wag ka nga maingay at nagkoconcentrate ako sa technique ko.
PIKORI: Hmp! Madaya! Mas nakakakuha ka ng magandang view kaysa sa kin.
(Kumuha ng video cam at finocus)
PIKORI: Ayan patas na! Sandali, ba’t wala akong marinig na sounds. Oi, Gaaratski, la ka bang magagawang ikatlong tenga dyan?
GAARA: Wala!
PIKORI: Ano ba yan! Ang hina mo pala. Kulang ka sa facilities.
GAARA: Gamitin mo nalang yang tenga mong pansagap.
PIKORI: Anong tingin mo dito, antenna?
(pause)
PIKORI: Ssshh! Ayan na, baka may magpropose na sa kanila.

(Nakabantay ang dalawa habang si Peropero ay nakapatong sa ulo ni Pi. Habang nanood siya ng video biglang nawala sa eksena sina Kisame’t Itachi. Bigla nalang lumitaw ang dalawa sa harap ng dalawang tsismoso/a na parang mga multo)
KISAME: Anon ginagawa ninyo?
GAARA: Anong malay ko dyan. Nagmemeditate lang ako no.
PIKORI: (sa isip) Gaara, sinungaling ka!!! (tinago ang camera sa likod)
KISAME: Anong tinatago mo dyan? Akala mo siguro di namin alam na kinukunan mo kami.
PIKORI: Ehehehe… Dahil kayo ay sikat, kayo ay Victim! (pinantabon si Pero sa mukha dahil sa hiya)

(Biglang may lumipad na uwak sa labas)
UWAK: Tanga! Tanga! Tanga!

ITACHI: Makaalis na nga sa bahay na ito bago pa ko matulad sa inyo. (naghahanda na para umexit)
PIKORI: (nakatago pa rin ang mukha) Thanks for coming. Please come again!
KISAME: Che! Asa ka pa!
PIKORI: Sabat ka ng sabat di naman ikaw ang kinakausap ko. Hmp!

*****

Sa susunod na kabanata,
May nangyayaring kababalaghan kay Gaara. Sinasapian ba siya ng masamang espiritu, tuluyan nang nasiraan o nalulong na sa rugby?
Next episode: Sabihin Mo Sa Akin

Biyernes, Oktubre 28, 2005

COMMERCIAL BREAK

Ang inyong matutunghayan ay isang spoof ng latest commercial theme song ng Best Foods entitled “Maganang Umaga” ni Vhong Navarro. Ito ay madalas marinig sa radyo lalung lalo na sa IFM 93.9. Paalala lang po, di ko po pagmamay-ari ang kantang Maganang Umaga, ang kumpanya ng Best Foods at anumang may kinalaman dito.


Beast Foods: Magarang Gaara

Boooo…kya!
Sabaku sousou na!

Ipikit ang mata
Tatapusin ka na niya
Batang may Shukaku
Huhulihin namin siya
Siya ba’y lumalapad
Na parang si Tofu man?
Siya ba’y humahaba
Na parang si Lastikman?
Oo o hindi?
(HINDE!)

Refrain
Siya ba’y sumasakal
Ng tao’t ninja?
Natutulog din ba siya
Kahit paminsan-minsan lang?
Kumukuntrol ba siya ng buhangin?
Kumakain ng i-Sasuke-tti

Chrous
Ang batang Gaara
Beast foods sa umaga
(Beast foods!)
Buong grupo’y nataranta
Pag siya ang kalaban
Magarang Gaara
Nagiging halimaw
Lumalakas, Naninira
Pag beast foods
(Beast Foods!)
Palaging kasama

May itim ang mata
At payat ang katawan
Ipakita mo ang kanyang nakaraan
Siya ba’y marahas?
Mabangis sa labanan?
Siya ba’y kinatatakutan
Lagi sa lugar nila?
Oo o hindi?
(Oo!)

(Repeat Refrain and Chorus)

Masama na bata
Nakikita niyo na ba?
Siya ay may kanji
Pagdating sa noo niya
Laging nag-iisip
Kung ano ang misyon niya
Lalung-lalo na sa paghihiganti niya
Yan ba si Gaara?
(Oo!)

Pinapatay na niya
Ang aking tauhan
Dahil sa kanya
Ako’y nasa burol na
Nasa Suna man o sa Konoha
Beast Food ang kanyang kasama

(Repeat Chorus)

Hooo!
Boo… kya!!!

Episode 4: Breakable Breakfast

(Umaga na gising na ang isda at alien. Lumabas sa kwarto niya si Gaara)
PIKORI: Talo mo pa kami, Gaara. Biruin mo di ka nga natutulog pero mas mukha kang bagong gising kaysa sa amin.
KISAME: Oo nga, Gaara. Mag-ehersisiyo ka naman para makondisyon ng konti ang katawan mo. Sige na kahit chicken dance lang.
GAARA: At ikaw, magfifish dance?
KISAME: Hay naku, halloween na ba at napakaaga mo namang isuot ang costume mo?
PIKORI: Ikaw naman, Kisame, di ka na nasanay. Natural na yan sa kanya.
KISAME: Oo nga pala. Di na niya kailangan magsuot pa ng costume. Kahit saang lupalop siya ng daigdig pumunta, malalaman na nilang nagtitrick or treat siya.
PIKORI: Ok nga yun, dahil kapag i-close up ka sa camera siguradong talo mo pa sina Sadako’t Kayako. Nakakainggit!
(tawanan ang isda at alien)
GAARA: Sige tumawa lang kayo at mamaya iiyak na kayo.
KISAME: (sarcastic) Huhuhu! Natatakot ako. (tawa uli)
PIKORI: Gaara, maligo ka naman sa tubig at tama na ang pagbababad mo sa buhangin.
KISAME: Oo nga, amoy alikabok ka na!
PIKORI: Kalabaw ka ba na kailangan patuyuin ang putik sa katawan?
KISAME: Hayaan mo na. Yan ang proteksyon niya laban sa dengue.
PIKORI: Grabe! Para ka nang coconut shell. (Kinatok ang pisngi ni Gaara) Alam mo ang gaspang mo, makapal na ang mukha, tigas pa ng ulo! And I mean it literally.
(tawa ng tawa si Kisame)
GAARA: Naliligo naman ako ah!
PIKORI: Pero pagkatapos nagbabalot ka na naman sa buhangin parang aso. Kailangan mo pa rin ba yang armor of sand mo sa bahay? Di ka naman namin sasalakayin!
GAARA: Mabuti na ang sigurado.
(di parin tumitigil ang humahalakhak na isda)
PIKORI: Something smells fishy over here.
GAARA: Kisame.
PIKORI: Hoy Ceiling! Wag ka muna magsaya at kahit ikaw magbabad ka man sa tubig buong araw, amoy bulok ka parin.
KISAME: Ikaw, amoy aso! Kapag nakapikit nga ako di ko malaman kung ikaw ba o si Peropero ang naaamoy ko! Iisa lang ba ang shampoong gamit nyo?
PIKORI: Hoy, Kisa! Kahit Kissa Papaya pa ang gamit mong sabon wala nang pag-asa pa ang balat mong kulay bangkay!!
GAARA: Gutom na ko! Kakainin ko na kayong dalawa.
PIKORI: Relax, anong itlog ang gusto mo. Sunny side up, sunny side down or sunny sideless?
GAARA: Anong Sunny sideless?
PIKORI: Nilagang itlog.
GAARA: May sides parin yan.
PIKORI: Ano?
GAARA: Inside at outside.
(tawanan)
PIKORI: Kanino ka natuto ng sense of humor?
GAARA: Di ka na dapat nagtataka. Ganyan rin naman takbo ng utak nyo.
PIKORI: Oo nga no? Korek ka dyan!
GAARA: Sunny side up nalang.
KISAME: Ako gusto ko naman ng scrambled.
PIKORI: Tinatanong ba kita?
KISAME: Ba’t si Gaara lang?
PIKORI: Ang isda di kumakain ng itlog.
KISAME: Tumabi ka nga dyan at ako na lang ang magluluto ng sarili kong itlog.
PIKORI: Bakit, may egg ka ba? Babaeng isda lang ang nangingitlog!
(Habang nagluluto ang dalawa, nag-eespadahan sila ng sanse. Si Gaara ay nanonood sa kanila)
GAARA: Eto ba ang ideal family?
PIKORI + KISAME: Family?
GAARA: Familihan. Ang aga-aga, ingay-ingay.
(tawanan sina Piko at Kisa)
PIKORI: (pinalo ang mesa gamit ang sanse) Excuse me, may bangaw sa familihan!
GAARA: May topak ka na nga. Pinagkakamalan mo na fly swapper ang sanse mo.
PIKORI: Ah hindi! Talagang ihahalo ko ang langaw sa itlog mo. At saka wala na pala tayong asin. Buhangin nalang ilalagay ko ha!
GAARA: Bahala ka sa buhay mo. Kainin mo recipe mo!

*****

Sa susunod na kabanata,
Isang mahalagang bisita ang dumating sa bahay. Bibigyan ba siya ng mainit na pagtanggap o baka naman sakit lang ng ulo ang nakahain para sa kanya?
Next episode: Dumating si Itachi

Biyernes, Oktubre 14, 2005

Episode 3: Misyon, Bisyo na 'To

KISAME: Alis na ko. Pinapatawag ako ng Akatsuki.
PIKORI: Woops, bago ka umalis pakainin mo muna si Peropero.
KISAME: P-p-pero…
PIKORI: Wala nang pero pero!
KISAME: Wala na tayong pera-pera. Kaya nga aalis para magtrabaho. Akala mo kung sino kang mag-utos sa bahay na to.
PIKORI: Baka nalilimutan mo, ako ang nakatoka sa household kaya I hold the house at dito kayo tumitira.
KISAME: Ayoko na, layas na ko.
PIKORI: Di ka pwede lumayas, di pa tapos ang kontrata mo sa show na to. Tatamaan ka ng kidlat pagsumuway ka. Magiging sharks fin ka in an instant!
KISAME: Oo na! Akin na nga ang tira-tira ng kare-kare para kay Pero-pero. Buwisit na aso, wala na ngang silbi, pirat na ang mukha, nambebelat pa.
PIKORI: Oy! Mabuti pa nga ang aso tapat sa amo di tulad mo taksil sa bayan mo.
KISAME: Ba’t di nalang kaya si Gaara ang pabantayan mo ng bahay magdamag? 24 hour service naman yan.
PIKORI: Pareho kayong ninja, no! E paano kung may misyon siya, eh di wala na magbabantay.
KISAME: Naku! Mahuhuli na ko sa meeting. Ayusin mo nalang ang water bed ko.
PIKORI: Pa-water water bed ka pa dyan. Sa bed ka ba talaga natutulog o sa water?
GAARA: Aalis rin ako. May misyon kami ngayon.
PIKORI: Bago ka umalis ligpitin mo muna buhangin mo. Baka higupin yan ng bago kong vaccuum. (Nilabas ang bagong taghigop)
GAARA: Ba’t may mata at bibig yan?
PIKORI: Bagong brand to, ang Deme-chan vaccuum cleaner galing sa Home TP Shopping. Humihigop ito 50x better. Mag-ingat kayo at pwede rin tong panghampas at ang mga hinihigop nito di nyo na makikita pa forever.
KISAME: Kaya pala naubos ang pera namin ginamit mong pambili nyan!
PIKORI: We share the same house kaya we share the same money.
KISAME: Mahilig ka ba sa dila? Ang aso mo pati vaccuum mo nakadila!
PIKORI: Excuse me, ang dila ni Deme-chan ay katumbas ng basang basahan.
Baka gusto mo ikaskas kita sa pader para matanggal ang mga nakakapit na dumi sa dingding at the same time makaliskisan kita.
KISAME: Ha! Baka nalilimutan mong pating ako at pwede kitang lamunin dyan.
PIKORI: Bago mangyari yun maliligo muna ako sa lason nang matigok ka rin.
KISAME: Lulunurin kita!
PIKORI: Hihiwain kita!
GAARA: (nakatingin sa hourglass) Anong oras kayo matatapos?
PIKORI: To be continued nalang.
KISAME: Salamat naman. Hinihintay na siguro ako ni Itachi.
PIKORI: Si Itachi? Sandali, hingan mo ako ng autograph.
KISAME: Che! Di pwede.
PIKORI: Yabang mo. Sino nagsabi sa yong di pwede eh di naman ikaw si Itachi. Sino ba siya sa buhay mo at pinagdadamot mo pati pirma niya? Joa mo?
KISAME: Sa tingin mo papatulan ka niya? Alien ka!
PIKORI: Aba! May sinabi ba akong ganun?
KISAME: Eh ba’t humihingi ka ng pirma?
PIKORI: Eh sa gusto ko ng souvenir eh!!! Rare item yun! Isa siya sa mga natirang Uchiha at isang GENIUS!!! Di tulad mo, isang Golem!
(Golem means blockhead which in turn means stupid person. Reference: Merriam Webster Collegiate Dictionary)
KISAME: Pa-autograph mo lelang mo.
PIKORI: Siguro inggit ka lang. Walang magpapa-autograph sa iyo dahil parang kahid ng isda ang sulat ng palikpik mo.
KISAME: Grrrr… Alis na kami! Tayo na Gaara!
PIKORI: Pasalubong ko!
GAARA: Wag ka mag-alala. Uuwian kita ng bungo.
PIKORI: Yay! Mamaya durog naman ang iuwi mo. Wala ring silbi.
GAARA: Ayaw mo nun, puzzle. Buuin mo nalang uli.
PIKORI: Ayoko. Gusto ko buo para display sa bahay.
GAARA: Lamang-loob?
PIKORI: Ayoko nyan. Wag ka mag-uuwi nun kung hindi ako humihingi ng sample para sa Biology class! Sayang, mabubulok lang. Wala akong formaline.
GAARA: Paano kung kay Sasuke galing yun?
PIKORI: Napaka-gory naman nito. Ialay mo nalang sa nanay mo yun.
GAARA: Wag ka magrereklamo kapag wala akong tinira.
PIKORI: Hmm… Mata nalang niya para may collection ako ng Sharingan eyes.
PEROPERO: Beh!


*****

Sa susunod na kabanata,
Tumilaok na ang manok, sumisilip na ang haring araw at panibagong yugto na naman ng buhay sa bahay kalokohan. Anong unang gagawin? Gigising. Pero hindi kay Gaara. Diretso kain nalang sa lamesa. Ano naman kaya ang gaganda sa umaga kung ang almusal mo ay isang…
Next episode: Breakable Breakfast

Linggo, Setyembre 25, 2005

Episode 2: Operation Ga-ARAY!

PIKORI: (Kinalabit si Kisame) Magpagalingan tayo. Nakikita mo ba si Gaara dun?
KISAME: Syempre may mata ako.
PIKORI: Utak talangka ka talaga!
KISAME: Ano ba kasi ang gusto mo?
PIKORI: Alam mo namang iilan pa lang ang nakakasugat o nakakapanakit kay Gaara.
KISAME: So ano? Gusto mong magpagalingan tayo sa bagay na yan?
PIKORI: Parang ganun na nga. Kung sino ang makakapagbigay ng sakit kay Gaara nang di gumagamit ng chakra at sandata, siyang panalo. Kelangan di niya mahalatang sinasadya mo at di mo rin siya dapat galitin. Tandaan mo mas kakaiba ang paraan mas maganda.
KISAME: Yun lang pala, eh! Game ako dyan. Hmp! Wala ka na. Talo ka sa kin.
PIKORI: Makikita mo rin ang galing ko!

*****

(Habang nakatulala sa kawalan si Gaara, tinapunan siya ni Kisame ng encyclopedia Nasangga ito ng buhangin. Lumingon si Gaara.)

KISAME: (palusot no.1) Akala ko kasi natutulog ka nang dilat. Ginigising lang kita at baka binabangungot ka na.
GAARA: Pwede ba wag mo na bilugin ang ulo ko. Isda lang ang natutulog ng dilat.
PIKORI: Hehe! Boooo!!!
KISAME: Tumigil ka nga, pampainit lang yun. Tinetesting ko pa yung buhangin nya.

*****

(Makaraan ang ilang oras, tinira niya si Gaara ng maliit na bato. Sa bilis ng pagbato, tumagos sa buhangin at tumama sa pisngi ni Gaara. Nagkabiyak ang armor of sand niya pero di man lang siya nagreact.)

KISAME: Di pa niya tinatanggal ang armor of sand niya sa katawan.
(Lumingon si Gaara)
KISAME: (palusot no.2) Paharang-harang ka kasi. Nagpra-practice ako ng target shooting.
GAARA: Eh ba’t di mo gawin sa malayo? (Umalis si Gaaara sa pwesto)

*****

KISAME: Siguradong uubra tong hinanda kong trap.
(papasok na si gaara sa pinto nang itinapat ni Kisame sa kanya ang hose at binombahan siya ng tubig. In a state of shock si gaara. Para siyang basang aso. Di nakayanan ng buhangin ang lakas ng pwersa ng tubig kaya humalo at naging putik ito)
KISAME: Gaara, pasuntok lang kahit isa! (POW!)

Plano ni Kisame: Successful!!!

*****

PIKORI: Kawawa naman ang beybi. (Tinapalan ng ice bag ang magang pisngi ni Gaara)
GAARA: Aray! Kisame, kung gusto mo akong kalabanin, harapin mo ako at hindi yung patago.
KISAME: (palusot no.3) Di ko naman sinasadya yun. Nasobrahan ko lang kasi ng bukas ang gripo kaya nabitawan ko yung hose sa lakas ng tubig. Di ko naman alam na papasok ka ng bahay.
GAARA: Di raw sinasadya, eh ba’t mo ko sinuntok?
KISAME: (palusot no.4) Eh sa uminit ulo ko eh. Sa yo ko tuloy nabuhos ang galit ko.
GAARA: Isa ka pa, Pikori, di na ko beybi kaya tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng ganun.
PIKORI: Pero ikaw ang bunso. Sinabi mo rin noon na mas matanda pa ko sa iyo, eh mas lalo na yang matandang Kisame na yan.
GAARA: Hmp! Aray!!! Wag mo nga pisain ang bukol!
KISAME: Hoy, Piko! Gawa ko yang bukol na yan. Wag mong mapagkamalang ikaw ang sanhi ng pamamaga nyan. Wag mo gamitin ang nasimulan ko na. Gumawa ka ng sarili mong taktika. Wala kang originality!!!!
GAARA: Anong ibig sabihin nito?
PIKORI: Wag mo syang pakinggan. Nagseselos lang ang shokeng shokoy na yan.
Heto, Gaara, kumain ka lang ng kumain. (pinuno ang pinggan ni Gaara hanggang sa umapaw)
(Kukuha sana ng fried chicken si Kisame nang pinalo siya ni Piko-chan sa kamay.)
PIKORI: Don’t ever touch that food. Kay Gaara lang yan! May adobong bulate sa ref, initin mo.
KISAME: Arte nito!!!
(Matapos pilitin kumain si Gaara ng 8 servings ng iba’t ibang putahe, dinagdagan pa ni Piko-chan ang mga to ng desserts. Halos masuka-suka si Gaara.)
GAARA: A-a-a-yaw!
PIKORI: Kumain ka pa para mabilis gumaling ang maga mo.
(Si Kisame ay nagmumukmok sa sulok habang ini-swirl ang mga uod sa tinidor na parang spaghetti pataas at pababa.)

*****

(The next day, namimilipit na sa sakit ng tiyan si Gaara. Masakit pa ang ngipin dahil sa dami ng matamis na kinain.)

KISAME: Kasalanan mo yan. Di sana magkakaganyan si Gaara kung di mo pinasolo sa kanya ang hapunan kagabi.
PIKORI: Tsk! Tsk! Tsk! Ang hina mo, pre.
KISAME: Anong ibig mong sabihin? Pinlano mo na ito sa simula pa lang ano?
PIKORI: Korek! Wag mo sana kalimutan ang kasunduan natin.
KISAME: Pambihira, binigyan mo nga ng sakit si Gaara. Sakit ng tiyan at ngipin! At di man lang naubos ang lakas mo.
PIKORI: Paano na, talo ka. Eh di kaw na ang nakatokang maglinis ng banyo.
KISAME: Hoy madaya, wala tayong pinag-usapang ganyan.
PIKORI: Eh ano pang silbi ng pustahan natin kung ganun?
KISAME: Tuso ka rin bata ka.
PIKORI: Di ako tusoK!
GAARA: Aaaaaaaaaarrrrrrgghhhhhh!!!!!!
PIKORI: Patay! Mukhang napasobra ata. Dali, Kisame, tumakbo ka sa botika.
KISAME: Ba’t ako?
PIKORI: Ninja ka kaya mas mabilis ka kumilos.
GAARA: Aaaarrrayyy!! Tiyan koooo!!! Ngipin koooo!!!
PIKORI: Bilisan mo kundi iihawin kita!
KISAME: Oo na.
(Nang makaalis si Kisame, si Pikori ay nagkayacroak)
PIKORI: Hehe! Im da one!

(Background song: Da Anothers Theme song)
“Yayaya yayayayayaya Yayayayayaya Yayayaya!”

*****

Sa susunod na kabanta…
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang trabahong dapat gampanan. Ano pa kaya ang kanilang pinagtatalunan?
Next episode: Misyon, Bisyo na ‘To!

Linggo, Setyembre 04, 2005

Episode 1: Ang Kisame ng Bahay

(Nasa sala ang lahat at dahil walang magawa nagsimulang magkwento si Pikori)
PIKORI: May kaibigan ako sa skul, isang janitor.
KISAME: Janitor, yung naglilinis?
PIKORI: Oo janitor. Janitor fish, yung naglilinis ng aquarium.
KISAME: Nagpaparinig ka ba?
PIKORI: Baka kako kelangan mo ng tagalinis ng kwarto mo.
KISAME: Di ko kelangan ng isang sucker!
PIKORI: Kung sa bagay, kaya naman ng malaki mong featherduster ang mga dumi.
KISAME: Hindi to featherduster kundi SA-ME-HA-DA!!!
PIKORI: Sus, kung magsalita ka akala mo di ka nanggaling sa angkan ng malalansa.
KISAME: Baka ihampas ko sa yo ito.
PIKORI: Tsk Tsk Tsk! Rule no.1, use of weapons inside the house is not allowed.
GAARA: Ang ingay ninyo. Sakit sa ulo.
PIKORI: Eh di takpan mo ng bulak ang ilong, este tenga mo.
GAARA: Gusto mo ba akong patayin?
PIKORI: Kung di lang sa buhangin mo, matagal na po!!!
GAARA: Wag mo nga ako ma-po-po at mas matanda ka pa sa kin.
PIKORI: Ganun ba? Dapat kasi magstresstabs ka dahil ang stress nakakatanda.
GAARA: Masisisi mo ba ako kung gising ako 24 oras? Pasalamat nga kayo at di ako natutulog kundi baka pinisak na kayo ng halimaw sa loob ko.
PIKORI: Eh di tenk yu sa pagpupuyat mo. Hoy, Kisame! Magpasalamat ka rin.
KISAME: At bakit, pakelam ko ba.
PIKORI: Uy, fish na tayo! //^_^\\V
KISAME: Fishfishin mo face mo.
PIKORI: Grabe ang kapal! Ang kapal ng kaliskis mo!
GAARA: Nakalaya nga ako kina Kankuro at Temari pero kayo naman ang pumalit. Kahit kailan di ko pinangarap makasama kayo sa iisang bubungan.
PIKORI: Gaara, hindi lang iisang bubong kundi iisang kisame. Kung pwde nga bubong na lang. Di ko naman akalaing isang shokoy pala ang Kisame ng bahay na to.
KISAME: Anong shokoy, ha?
PIKORI: Ayaw mo ng shokoy? Eh di shoke!
(Lumayo-layo si Gaara sa shokeng shokoy)
KISAME: Hoy, Gaara! Wag kang maniwala.
PIKORI: At bakit di siya maniniwala? Ano bang pangalan mo?
KISAME: Anong kalokohan to? Bakit mo tinatanong pangalan ko eh alam mo na.
PIKORI: Pangalan mo lang pinagkakait mo pa.
KISAME: Kisame
PIKORI: Ano?
KISAME: Ki-Sa-Me!
PIKORI: Di kita marinig.
KISAME: KISSsss-AAaaa-MEeeHH!!!
PIKORI: Narinig mo, Gaara? Sabi niya, “Halikan mo raw siya.”
GAARA: Kakilakilabot na pangalan. Nagdudulot ng panginginig sa kailaliman ng aking mga buto.
KISAME: Loko kang Pikori ka ah!!! Humanda ka…@#@@$&^$$%#^$%$%#!!!!
(Nagalit ang heavens sa kanyang blasphemy. Biglang bumagsak ang kisame ng bahay at syempre unang mauuntog ang pinakamatangkad.)
KISAME: Arrraaayyy!!!
PIKORI: Beh! Bote nga sa yu!
GAARA: Pwede ba umalis ka nga sa shield of sand ko.
PIKORI: Ang damot mo naman. Makikitago lang eh.
KISAME: Pwe, ang rupok ang bahay na to!
PIKORI: Kasalanan mo yan kaya ayusin mo ang kisame ng bahay!

*****

Sa susunod na kabanata, si Pikori at Kisame ay may maitim na balak kay Gaara. Ano kaya iyon?
Next episode: Operation Ga-ARAY!

Huwebes, Setyembre 01, 2005

Home Sweet Home

Welcome to Fool House! //^_^\\
I-welcome muna natin ang mga fool housemates:

“Hindi tao, hindi hayop, pero nakakatinik – si Kisame!!!”
(palakpakan ang mga sea creatures kasama si Spongebob)

“Mabuhangin ang dating kaya siya’y nakakapuwing din – si Gaara!!!”
(palakpakan ang mga sand creatures at raccoon dogs)

“Mukha man siyang tao, taga-ibang planeta rin pero di malaman kung saan nanggaling – si Pikori!!!”
(palakpakan ang mga alien)

“At kung inaakala ninyong wala nang pero pero, meron pa – si Peropero!”
(palakpakan ang mga aso)

*****

Let me introduce you to our home.

Daan patungo sa amin


Welcome to our haunted house


Living room pero walang living


Garden view mula sa living room


Dining kung saan pinapalamon ang mga palamunin


Isa lamang sa mga daanan sa bahay


View ng sala mula sa pinakamalaking kwarto


Stairway to heaven or hell


*****

Si Kisame ay may malaking problema. Ano naman kaya iyon? At anu-ano kayang mga kabaliwan ang mangyayari?
Abangan ang kanilang mga baka adventures sa susunod na kabanata…
Premiere episode: Ang Kisame ng Bahay